Wish ni Bimby kay James: Wag na silang maghiwalay ng Italian GF

bimby
Samantala, super touched si Kris Aquino sa ginawang pagpapa-re-schedule ng flight to Escalante, Negros ng ex-husband niyang si pareng James Yap.

Dapat kasi ay sa probinsya nila mag-spend ng Christmas ang magaling na basketbolista kasama ang kanyang GF na si Michela Cazzola, pero dahil inimbita siya nina Kris at anak na si Bimby para manood ng Christmas screening para sa “Praybeyt Benjamin 2” ay nagdesisyon itong the next day na umuwi sa kanila.

Kyut na kyut din kami sa bibong bagets nina pareng James at Kris na may moves sa pagsasayaw nang mag-promote ito sa It’s Showtime noong Pasko.

Halatang enjoy ang bata at nakikipagtsikahan ito sa mga co-stars niya na nakasama niyang magsayaw. Hmmm, sa mga nagtatanong kung kanino kaya posibleng namana ni Bimby ang kanyang “dance moves” ay sigurado kaming hindi kay Kris ‘yun. Ha-hahaha!

Anyway, natuwa naman kami sa Christmas wish ni Bimby for his dad. Sey ng bagets, “I wish for him to be a good papa. And if Tita Mic (Michela) and Papa get married, I want them to never break up.”

At nang tanungin kung payag na ba siyang mag-boyfriend uli si Kris, he said: “Yes, but when I’m 11.” Bimby just turned seven last April.

Read more...