Angel inaatake ng nerbiyos sa paghaharap nila ni Ate Vi sa 2015

By Ervin Santiago December 27,2014
share this

Angel inaatake ng nerbiyos sa paghaharap nila ni Ate Vi sa 2015

By Ervin Santiago December 27,2014
share this

vilma santos
AMINADO si Angel Locsin na ngayon pa lang ay inaatake na siya ng sobrang nerbiyos sa gagawin nilang pelikula ni Gov. Vilma Santos.

First time niyang makakasama sa isang proyekto ang Star For All Seasons na nanay pa ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano. Pero sey ng Kapamilya leading lady, mas lamang pa rin ang excitement na nararamdaman niya kesa sa kaba.

“Magkakatrabaho nga kami, ninenerbyos na ako paano pa kaya makaharap ko na ang isang Vilma Santos tapos nanay pa ng boyfriend (Luis) ko. Grabe ‘yung kaba talaga,” ani Angel sa isang interview.

Samantala, tatanawin daw niyang napakalaking utang na loob kay Ate Vi kapag pumayag itong mag-special appearance sa “Darna” movie na gagawin niya next year under Star Cinema.

Sa lahat ng mga gumanap na Darna sa pelikula, si Ate Vi ang maituturing na pinakasikat. Apat na Darna movies ang nagawa niya noon – ang “Lipad, Darna, Lipad!” (1973), “Darna and The Giants” (1973), “Darna vs the Planetwomen” (1975), at “Darna and Ding” (1980).

Gumanap namang Darna si Angel noong 2005 sa TV version nito sa GMA 7 at sa pagpasok nga ng 2015 ay gugulong na ang mga camera ng Star Cinema para sa bagong movie version nito na ayon kay Angel ay isang napakalaking proyekto dahil first time raw mangyayari ito sa history ng Philippine cinema.

“Umaasa ako kasi nakita ko ‘yung interview ni tita (Ate Vi) na if ever nga daw na magawa namin ‘yung ‘Darna’, willing siya mag-cameo. Napakalaking bagay nu’n ‘di ba? Kasi siya naman talaga ‘yung Darna tapos makasama ko pa siya sa Darna, siguro napaka-surreal ng pakiramdam,” chika pa ni Angel sa nasabing interview.

Kamakailan ay sinabi ni Ate Vi na willing siyang umapir sa “Darna” movie ng girlfriend ni Luis. “Hindi ko pa alam, pero kung hihilingan ako ni Angel, okay lang. Si Angel pa.

Pero hindi naka-Darna costume, ha! Utang na loob, ha. Excuse me!” ang tawa nang tawang sabi ng actress-politician.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending