Kris bait-baitan na naman; gamit na gamit si James

james yap kris
Mabangung-mabango ngayon si James Yap sa paningin ni Kris Aquino. Panay-panay ang pagmamalaki ng aktres-TV host sa kanyang social media accounts kung gaano ka-supportive ang basketbolista sa kanilang anak na si Bimby.

Magandang balita ito kung tutuusin kumpara sa maasim na relasyon nu’n ng mga magulang ni Bimby, pero hinahanapan ito ng butas ng mga sumusubaybay sa kanilang relasyon, napakagaling daw talaga tumayming ni Kris.

“Si Kris, alam niya kung kailan siya magmamabait at kung kailan siya magmamaasim. Napakahusay niyang tumayming, walang tatalo sa kanya sa anggulong ‘yun.

“Kapag personal na niyang kapakanan ang nakataya, she can befriend even her enemies, kasi nga, kailangan niyang magkaroon ng magandang image.

“Pero pagkatapos nu’n, e, deadma na uli siya, wala na siyang pakialam sa taong nagamit niya, ganu’n lang ‘yun,” pag-oopinyon ng aming source.

Kung babalikan nga naman kasi ang mga naganap nu’n sa pagitan nila ni James Yap nang maghiwalay sila ay parang kabaligtaran ‘yun ng mga nangyayari ngayon, parang panaginip lang ang lahat, dahil pinupuri na ni Kris ang ama ng kanyang anak na halos isumpa-sumpa na niya nu’n.

Pero siya na rin naman ang nagsabi, basta para sa kapakanan ng anak, kailangang kalimutan na ng mga magulang ang nangyari sa kanila nu’n.

‘Yun lang daw ang ginagawa niya ngayon, nila ni James Yap, para kay Baby James.

Read more...