KILALA naming mataray si direk Wenn Deramas pero nasa lugar naman. Hindi naman yan basta nagtataray nang walang dahilan.
Tulad na lang nang nangyari noong nakaraang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2014 kung saan masaya ang lahat ng artista, direktor at production people sa kani-kanilang floats.
Pero as usual, hindi nakaligtas ang ilan sa kanila sa pang-ookray ng bastos na netizens, kabilang na nga ang direktor ng “The Amazing Praybeyt Benjamin”.
May mga nagkomento yatang sobrang taba ng direktor at kung anu-ano pang panlalait sa itsura nito. Naku relate na relate kami riyan kapatid na Ervin kaya minsan talaga kahit sagad-sagaran na ang “patience emote” namin ay nagiging “patola” (mapagpatol) din kami to show these people na hindi porke’t libreng magpahayag ng kanilang saloobin ay keri na nilang gumamit ng mga masasamang salita laban sa isang tao na never naman nilang nakilala nang personal.
Yun nga lang, minsan may mga pagpapatol din kaming nagagawa na after a day or two ay naiisip naming “pang-talong” o “okra” lang pala at hindi para sa “patola”. Ha-hahaha!!!