Gerald-Maja loveteam malakas ang dating
Bagay na bagay pala talaga not only in real life but also on screen also ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Maja Salvador. Tampok sina Gerald at Maja sa kauna-unahan nilang pagsasama sa isang show sa ABS-CBN, ang Kapamilya Christmas TV special na Give Love On Christmas.
Ang ikalawang Pasko-serye ng ABS-CBN na pinamagatang The Gift Of Life ay nagsimula na this week bago mag-It’s Showtime.
Gaganap si Gerald bilang si Tristan, isang binata na labis na nangangailangan ng kidney transplant matapos ang isang malagim na aksidente noong kanyang kabataan.
Sa kanyang paghahanap ng posibleng donor, makikilala ni Tristan ang dalagang ulila na si Melissa (Maja) na nawalan na ng paniniwala sa Diyos mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang.
Kasama rin sa Christmas-serye ng ABS-CBN na sa istoryang Give Love on Christmas Presents The Gift of Life sina Marlann Flores, Melissa Mendez, Ricardo Cepeda, Nico Antonio, Shey Bustamante at Angel Sy. Ito‘y sa direksyon ni Malu Sevilla.
Huwag palampasin ang huling linggo ng The Gift of Life bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.