Aiza maghahanap ng sperm donor para mabuntis si Liza

LIZA DINO AT AIZA SEGUERRA

LIZA DINO AT AIZA SEGUERRA

Kasunod ng kontrobersyal na pag-iisang dibdib nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa US kamakailan, ibinahagi ng mag-asawa sa Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong hapon na kasado na ang plano nilang sumailailim sa in vitro fertilization (IVF) sa 2015.

“Magha-harvest sila ng egg cells ko tapos may kukunin kaming sperm donor. Pagka-harvest ng eggs ko at ng sperm, ipe-fertilize nila, at ii-inject kay Liza,” paliwanag ni Aiza kung paano isasagawa ang nasabing operasyon.

“Ako ang magbubuntis sa baby namin,” dagdag ni Liza.

Bukod dito, nakalinya rin sa plano ng mag-asawa na magsagawa ng hiwalay na seremonya ng kasal dito sa Pilipinas.

“Alam ko na bilang tao ay may karapatan akong magmahal, hindi bilang lalake o bilang babae. Bilang tao, may karapatan ako magmahal at ipakita ‘yong pagmamahal na ‘yon sa taong mahal ko, at ibahagi ‘yon sa mga mahal namin sa buhay,” ani Aiza.

Read more...