Kailan darating ang benepisyo?

AKO po si  Mr. Loreto A. Soriano  at ang SSS #…078-0. Nagpunta na  ako sa SSS Navotas branch para sa adjustment, at base sa rekord ng SSS ay kwalipikado naman ako. Nagpa-manual na rin po ako para maisama na ang  mga contributions na hindi naisama, pero ang problema ko lang ay sabi ng officer sa SSS ay may isang taon daw na waiting. Bakit sobra naman ang tagal?
Buwan ng  Oktubre 2014 nang magpa-manual ako. Gusto kong itanong kung aabutin pa talaga ng one year ang waiting para makuha ko ang benipisyo.
Salamat po

REPLY: Magandang Araw,  G. Soriano. Tama ang iyong ginawa na nagpa-manual na sa SSS branch dahil ang mga hindi naisama na contribution sa taong 1985 hanggang 1989 ay saklaw nga ng adjustment ngunit kinakailangan muna na magpa-manual para sa mga maga-avail ng benefits.
G. Soriano, para sa iyong katanungan, may mga imbestigasyon pa kasing ginagawa ang SSS kaya bahagyang natatagalan bago pa man makuha ang contributions, lalo na kung ang iyong employer ay nasa probinsiya o saklaw ng regional office ng SSS.
Pinapayuhan si G. Soriano na bumalik uli kung saang branch nagpa-manual ng adjustment at mag-follow-up para  malaman ang status para kung may problema pa ay agad itong maisaayos.
Kung matatapos agad ang imbestigasyon ay hindi na rin aabutin ng isang taon ay makukuha mo na ang benipisyo.
Salamat

Ms. Beth Suralvo
Senior Officer
Media Affair
Department
Social Security
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streamingwww.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...