Jodi, Ser Chief waging best actor at best actress sa Vietnam

jodi sta maria
WAGI ang daytime series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa nakaraang Face of the Year Awards na ginanap sa Vietnam noong Lunes.

Ang Face of the Year Awards ay inoorganisa ng Today TV na isa sa pinakamalaking Vietnamese TV networks na nagpapalabas ng mga Filipino teleserye.

Itinanghal na Favorite Foreign Drama Series sa nasabing international award giving body ang Be Careful. Bukod dito, nanalo rin sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap bilang Favorite Foreign Actress at Favorite Foreign Actor.

Sa kanyang official Instagram account, ipinost ni Ser Chief ang litrato nila ni Maya habang tinatanggap ang kanilang mga trophy.

Umalis patungong Vietnam sina Maya at Ser Chief noong Lunes ng umaga. Kasama ni Jodi ang kanyang anak na si Thirdy habang bitbit naman ni Richard ang asawa.

Read more...