Ara, Patrick uunahin ang binyag ng anak bago kasal

ara mina
Halos dalawang oras lang daw ang tulog ni Ara Mina araw-araw matapos niyang ipanganak ang first baby nila ni Mayor Patrick Meneses.

Nag-a-adjust pa raw kasi ang katawan niya bilang first time mommy. Ipinanganak ni Ara si Amanda Gabrielle noong Dec. 17 at sey ng aktres, gustung-gusto niyang pinanonood ito habang natutulog.

Sa interview ng The Buzz kay Ara sinabi nitong si baby Amanda ang priority nila ngayon ni Mayor Patrick, “Bagong buhay, bagong challenge dahil first-time mommy so hindi ko pa kabisado lahat.

Simula nung nanganak ako, parang two hours lang every day ‘yung tulog ko.” Para naman kay Patrick, isang napakagandang Christmas gift para sa kanilaang baby, “When I first saw Amanda during delivery, sobrang unexplainable.

No words can explain ‘yung feeling namin kasi we are overwhelmed, beyond imagination. Iba pala ‘yung feeling talaga.”
Samantala, nang tanungin si Ara tungkol sa kasal nila ng alkalde ng Bulacan, sinabi nitong uunahin muna nila ang binyag ng anak bago ang wedding.

“Mauuna muna ‘yung binyag (bago ang kasal). Siyempre gusto ko sexy na ako kapag kinasal ako. Siguro mas maganda kung medyo nakakalakad na si baby Amanda,” sabi pa ng sisteraka ni Cristine Reyes.

Read more...