Kris natakot ma-stroke kaya agad nagpa-confine sa ospital

kris aquino
SA kabila ng pagkakasakit at pagkaka-confine sa ospital live pa ring napanood si Kris Aquino sa The Buzz nitong Linggo.
Dito nga ipinaliwanag ng TV-host actress kung ano talaga ang nangyari sa kanya noong nakaraang Huwebes.

“Hindi talaga kinaya na, nu’ng Thursday bumigay ang katawan ko. I was really hilong-hilo and parang puputok na ‘yung ulo sa sakit and when I got home, I kept throwing up,” paliwanag ni Tetay.

Mismong ang doktor na ni Kris ang nagsabi na kailangan na siyang pumunta sa ospital dahil sa taas ng kanyang blood pressure.

“Natakot na ako so I said, ‘Alvin (personal assistant ni Kris) tawagan mo na si Doc.’ Super taas ng blood pressure ko, 150/110 at its peak ‘yung BP ko. So sabi nila pumunta na kami sa ospital.

Baka naman daw na-stroke na ako or whatever,” esplika pa ng Queen of all Media. Ayon pa kay Kris, tumindi ang atake ng kanyang migraine dahil sa “muscle spasms due to exhaustion” bukod pa sa napakainit daw sa lugar kung saan ginanap ang isang gift-giving event na pinuntahan niya nu’ng araw na ‘yun.

Dahil nga rito, hindi na siya natuloy sa taping ng Gandang Gabi Vice para sana sa promo ng pelikula nila ni Coco Martin sa MMFF 2014 na “Feng Shui 2”.

Read more...