NGAYONG tanghali ang pagtitipon-tipon ng lahat ng artista and production people ng lahat ng official entries sa Metro Manila Film Festival 2014. Unlike the past three years, I won’t be so active even sa MMFF Parade of Stars today.
I chose not to be so involved ngayon dahil I have a lot of things to do – basta nandiyan lang ako to support all the entries most especially sa “Shake, Rattle & Roll XV” ng pinakamamahal kong si Mother Lily Monteverde starring Dennis Trillo, Lovi Poe, Carla Abellana and Erich Gonzales, “English Only Please” (all for the love of friend Jojie Dingcong – manager ni Derek Ramsay na sobrang-bait sa amin) and Robin Padilla’s “Bonifacio, Ang Unang Pangulo”.
I also am in support too of “Muslim Magnum .357” ni Gov. ER Ejercito a.k.a. Jorge Estregan, Jr. for old time’s sake. Basta lahat ng entries ay panoorin ninyo – I just do hope na worthy ang mga ito of our time.
Hindi ko batid kung saan magsisimula ang parada – basta normally it ends at the Luneta Grandstand. At obligado ang major stars ng bawat film na dumalo dahil kung hindi, malaking multa ang babayaran nila.
“Even sa awards night sa December 27, kailangan nandoon daw kami lahat. Pag wala kami at halimbawa nanalo ang movie, parang meron ding malaking fine.
Kaya we have to be there din,” ani Derek Ramsay nang magkakuwentuhan kami sa Kuala Lumpur, Malaysia recently. Basta kami, ibibigay namin ang suportang kailangan ng ilang entries, not all ha. Basta may mga movies na expected na naming kikita kahit wala namang wawa. Kakaloka!