Charice walang planong pakasalan si Alyssa Quijano

charice pempengco
Dahil sa sinabi ni Charice Pempengco na wala sa kanyang bokabularyo ang pagpapakasal ay may mga hindi nakaintindi sa kanya. Pinariringgan daw ba niya ang kanyang kapwa tibo na si Aiza Seguerra?

Marami agad ang nagkomento na kung ayaw raw niyang sundan ang yapak ni Aiza na nagpakasal sa Amerika sa karelasyon nitong si Liza Diño ay manahimik na lang sana siya.

Pero katwiran naman ni Charice ay tinatanong lang siya, pinagkokomento sa ginawang pagpapakasal nina Aiza at Liza, kaya nagbigay siya ng kanyang opinyon.

Sinabi niya naman na masaya siya para kina Aiza at Liza, kaya nga lang ay wala siyang planong pakasalan ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano, dahil ‘yun ang kanyang pananaw sa buhay.

Tinatanong siya, nagbigay siya ng sagot, ‘yun ang kanyang paninindigan at paniniwala at para lang ‘yun sa kanya at wala siyang pinipilit na kahit sino para sumang-ayon sa kanya.

Papuri sa magaling na performer ng isang kaibigan namin, “I admire Charice for that. Hindi pa rin nababali ang pagka-Pilipino niya, nirerespeto pa rin niya ang kulturang kinagisnan niya.”

Oo nga naman.

Read more...