Miguel Tanfelix, Bianca Umali wala pang muwang sa kamunduhan

miguel tanfelix

EXCITED sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa unang teleseryeng pasabog ng GMA for 2015, ang Once Upon A Kiss.
Ang tandem nila ang isa mga pambato ng Kapuso network sa pagpasok ng New Year at kakaibang istorya ang ipinagkatiwala sa kanila considering na pareho silang teenagers (14 lang si Bianca habang 16 naman si Miguel).

“Siguro po ay kasama na yun sa paghahanda nila sa amin, yung mabigyan kami ng soap na kakaiba pero swak pa rin sa mga edad namin,” banggit ni Miguel na namayagpag nga ang career ngayong 2014 with his launching drama series na Niño.

Aminado rin ang binatilyo na at his age ay hindi pa siya nakakatikim ng”kiss”, hindi tulad ng ibang kaedad niya na mulat na mulat na sa usaping sex.

Halik ng mommy o kiss ng mga tita pa lang daw ang nararanasan niya, o beso-beso sa mga kasamahan sa showbiz, including reporters. “Mas lalo naman ako.

Wala akong idea kung paano yun nararamdaman,” hirit naman ng lalong gumagandang dalagitang si Bianca. Nang tanungin namin kung magkakaroon na sila ng kissing scene ni Bianca sa kanilang soap, “Bahala na  po ang production if ever, sila naman po ang nakakaalam niyan, tsaka alam naman po ni direk (Bb. Joyce Bernal) kung anong makakaganda sa istorya,” inosente pang tugon ni Bianca.

Kuwento ng isang mayamang bagets na na-coma at tanging isang “magical kiss” ang makapagpapagising dito ang pinakatema ng kuwento ng Once Upon A Kiss.

Ngayong Jan. 5 na ito magsisimula kung saan makakasama rin sina Michael de Mesa, Cris Villanueva, Mariel Pamintuan, Tessie Tomas, Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Al Tantay, Maricar de Mesa, Frank Magalona, Betong Sumaya, Gabby Eigenmann at sina Tita Nova Villa at Mylene Dizon

“Naku bawal pong magpaputok. Hindi ko po gagawin iyan ngayong Bagong Taon,” hirit ni Miguel Tanfelix nang mapadako ang usapan namin sa kung paano niya sasalubungin ang 2015.

Kahit daw noong mas bata pa siya ay mortal sin na sa kanila ang magpaputok dahil sa takot nilang maaksidente o makaaksidente. “Kaldero at torotot na lang siguro ang pang-ingay namin,” sabi pa ng bagets na aliw na aliw pa rin sa selebrasyon ng Kapaskuhan.

Ang malaking ipinagkaiba nga lang daw sa ngayon ay siya na ang nagbibigay ng regalo. “Marami na rin kasi akong inaanak. Mga pinsan at kaibigan.

Magbabalot pa nga ako ng mga regalo kahit simple lang,” sey pa ng bagets na pinayuhan namn na maging maingat sa kanyang diyeta ngayong holiday season dahil medyo lumulusog siya.

“Naku po, ako ang kanyang fitness and diet instructor. Lagi ko po siyang pinaaalalahanan at nire-remind araw-araw. Masunurin naman po siya,” sabad naman ni Bianca na kahit nalulungkot daw kapag mga ganitong okasyon ay iniisip na lang niyang maraming mga nagmamahal sa kanya.

Limang taon na kasi ang nakakalipas ng tuluyang maulila sa mga magulang si Bianca at bukod tanging ang kanyang lola ang ngayo’y nag-aaruga sa kanya, kasama ang iba pang kaanak.

Read more...