Ika-8 bridal shower ni Marian kinarir ng mommy ni Dingdong

marian rivera

NAKAKAALIW ang ikawalong bridal shower ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera na ginanap noong Sabado.
Darna ang theme ng nasabing bridal shower na mismong ang ina ni Dingdong Dantes na si Mrs. Angeline Dantes ang nag-organize.

Kaya naman lahat ng mga kaibigan ni Marian na nakisaya sa party ay nakasuot ng pula with matching korona na parang kay Darna.

Bukod sa mommy ni Dong, tumulong din daw sa preparasyon ang isa sa mga tatayong ninang nina Marian at Dingdong sa kasal na si Jhulz Lanuza.

Kung matatandaan gumanap si Marian bilang Darna noong 2009 sa GMA 7 at ito nga ang naisip na tema ng  nanay ni Dong para maiba naman sa mga nakaraang bridal shower na ibinigay sa Kapuso actress.

Base sa mga litratong nakita namin sa Instagram account ni Marian, tuwang-tuwa ang future wife ni Dingdong dahil personal na inasikaso ni Mrs. Angeline ang nasabing bridal shower.

Sa Dec. 30 na ang kasal nina Marian at Dingdong sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Q.C.. Gaganapin naman ang reception sa MOA Arena.

Read more...