Jennylyn, Derek buwis-buhay sa promo ng MMFF 2014

derek ramsay
Halatang bothered na bothered ang producer ng Metro Manila Film Festival movie nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay dahil alam niyang walang kalaban-laban ang entry niya compared sa “Feng Shui” nina Coco Martin at Kris Aquino at “The Amazing Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda.

Talagang ginagalugad nina Jen at Derek ang buong bansa para lang i-promote ang movie nila. Mall tour kung mall tour ang kanilang drama para lang maka-create ng awareness para sa MMFF movie  nila.

For sure ay pagod na pagod na sina Jen at Derek pero wala naman silang magawa, kailangan nilang i-promote nang husto ang pelikula nila dahil they are battling against the giants of showbiz.

Kahit na pagod na pagod sila ay wala naman silang karapatang magreklamo kasi they are just starlets of GARGANTUAN proportion!!!

Read more...