VERY impressive ang nakuhang text votes ng Pinoy Big Brother Unlimited ng big winner na si Slater Young.
Almost half ng total votes ng Big Four sa katatapos lang na PBB edition ang nakuha niyang boto.
Nagkaroon tuloy ng intriga na “namakyaw” ng SIM card ang Chinese businessman father ni Slater na si John Young.
“I don’t think bumili ng maraming SIM card ang dad ko.
It’s more of tumatawag sa mga relative namin, ganu’n-ganu’n.
And I think in a way I’m happy na lumabas ‘yung power of 1, mas okey ‘yung pagkapanalo ko kasi mas alam ng mga tao na mas marami talagang sumuporta sa akin,” sambit ni Slater.Hindi raw ine-expect ni Slater na siya ang mananalo at maging kauna-unahang male winner sa regular edition ng PBB.
Napagkasunduan na raw nila ng dad niya na gamitin ang premyo niya na P2 million sa pag-aaral ng mga anak ng employees ng kanilang business.
Nagmamay-ari kasi ng malaking construction company sa Cebu si Slater at graduate rin siya ng engineering.
May isa pang kapatid na lalaki si Slater na isa ring engineer.
Habang accountancy graduate naman ang kapatid niyang babae.
May malaking subdivision din sa Cebu ang pamilya ni Slater at nagmamay-ari ng malalaking lupain doon.
Wala raw pangalan ang subdivision nila doon pero napakarami nang nakatira.
Wala namang kyemeng sinagot ni Slater ang tanong kung virgin pa siya o hindi na.
He lost it daw nu’ng 19 years old siya sa kanyang first girlfriend.
Nakatatlong girlfriend na si Slater na pawang tumagal ng isang taon.
At ‘yung pinakahuli umabot lang ng six months.
Sa pagpasok niya sa showbiz, dream niya na makapareha ang host at aktres na si KC Concepcion.
Matagal na raw niyang crush si KC dahil sa sobrang kasimplihan nito.
Itinanghal naman na second big placer si Pamu, third big placer naman si Biggel at ang wildcard housemate na si Paco naman ang fourth big placer.