Ryzza Mae: Mas magaling si Bossing kay Vice Ganda!

vic sottto
Crush na crush pala ni Ryzza Mae Dizon ang dalawang Kapamilya hunks na sina James Reid at Enrique Gil, at gusto rin daw niyang makatrabaho ang mga ito.

Sey ni Aling Maliit, wish niyang makasama sa isang proyekto sina James at Enrique dahil,  “Kasi mabait po siya…kasi crush ko siya, e.” Mahilig daw sa mapuputi si Ryzza. “Opo, mahilig ako sa tisoy at saka ‘di ko alam, e, mabait yata si… mabait po yata si Enrique.”

Type rin ni Ryzza na i-guest sa kanyang show sa GMA ang dalawang hunks, “Opo, gusto ko silang maging guest sa show ko.”
Nang tanungin naman sa presscon ng “My Big Bossing” ang bata kung gusto niya rin bang i-guest si Vice Ganda (makakalaban nila sa 2014 MMFF) sa kanyang show, natatawang sagot ng bagets, “Hindi ko po alam, e!” Pero nang usisain ng press kung sino sa tingin niya ang mas magaling na comedian kina Bossing at Vice, mabilis niyang tugon, “Si Bossing Vic po!”

Sikat na sikat na siya at mayaman na rin, ano pa ang pangarap niya sa buhay?  “Yung makapagtapos po ng pag-aaral at saka gusto ko po maging chef, tsaka stylist. Kung lalaki po ako, ha, iyon po ang gusto,” hirit pa ni Ryzza sabay tawa.

Samantala, puro papuri ang tinanggap ni Ryzza Mae mula sa mga kasamahan niya sa pelikulang “My Big Bossing” showing on Dec. 25 starring Vic Sotto, Marian Rivera, Nikki Gil, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at marami pang iba.

Talaga raw nakipagsabayan ito ng akting sa mga beteranong co-star niya sa pelikula. At in fairness, siya talaga ang mang-aagaw ng eksena sa movie dahil tatlo ang gagampanan niyang karakter dito.

Read more...