NATURAL na marami talagang mga kababayan natin ang inggit na inggit sa estado ng Brazilian hunk na si Daniel Matsunaga because they feel that Daniel is so favored by this administration and showbiz industry mula nang ma-link ang name niya kay Kris Aquino.
Pati ang pag-legalize ng kaniyang residency sa Pilipinas ay pilit na sinasabing dahil daw sa mapagpalang kamay at impluwensiya ni Kris kaya mabilis itong naaprubahan, kahit anong pilit ni Daniel sa pagsabing it was a certain commissioner ng Bureau of Immigration who helped him facilitate his documents kaya siya na-grant ng legal documents.
“Kasi nga, ilang taon na ba si Daniel sa Pilipinas – five years? Sa limang taon na iyon ay walang nangyari sa kaniyang career pero nang maging vocal si Kris na type niya ito, bigla siyang naging sentro ng atensiyon sa TV.
Naging regular guest na siya halos ng KrisTV and right after that at nakapasok siya sa PBB All-In na parang hindi naman nag-audition,” simulang talak ng isa naming friend.
“Ang buong akala nga namin ay guest-celebrity housemate lang siya pero nagulat kami’t naging big winner pa. Natural na iisipin talaga ng mga tao that Kris has an influence over his entry sa PBB. Unang-una, paano siya magiging housemate eh, hindi naman siya Filipino citizen in the the first place?
“Pinoy Big Brother nga, ‘no! Hindi naman siya Pinoy kaya bakit siya pinayagang maging housemate? Kaya hindi mo rin masisisi ang ibang housemates who didn’t make it to the finals most especially dahil ang tatalo lang pala sa kanila ay isang foreigner na hindi naman talaga kasali sa labanan.
“Hindi na-address nang maayos ng ABS-CBN ang isyung iyon kaya talagang to this day ay meron pa ring nagdududa sa influence ni Kris over his entry at pagkapanalo sa PBB.
Ngayon ay kitang-kita namang pinaboran ng Immigration si Daniel, kahit sabihin pa nating nai-submit niya ang mga necessary documents for his residency kaya siya naaprubahan, nakakapagtaka pa rin.
“Kasi nga, naging topic nila sa KrisTV iyan before, si Kris ang mismong nagsabing tutulungan niya si Daniel sa application niya dahil may kakilala siya sa Immigration.
Ang sinasabi naman ni Daniel ngayon ay dahil sa pagdya-judge niya sa isang event ng Immigration kaya na-meet niya yung commissioner na siyang tumulong sa kaniyang application,” litanya pa ng kausap namin.
Dugtong pa nito, “Simple lang naman iyan eh, one plus one equals 11. With a Kris Aquino backing him up and this commissioner na naging fan yata ni Daniel, natural na mabilis pa sa bagyong Ruby at Yolanda and pag-aprub nila ng residency niya rito, ‘no! Kaya dapat kay Daniel ay huwag nang masyadong maging defensive dahil wala namang naniniwala sa kaniya.
I-enjoy na lang niya ang luxuries ng buhay dahil na-link siya kay Kris. Tapos!” irita pang sabi ng aming friend. O siya, siya. Wala naman palang paglagyan ang mga paliwanag ni Daniel, pinahirapan niyo pa siya.
Kawawa naman si papa Daniel. Kaya lang, ganoon talaga, marami kasi ang nagsa-suffer sa bansa natin re these issues – residency, career, honors, na nasa mga palad ngayon ni Daniel kaya natural lang na meron talagang magtataas ng kilay, dala man ng inggit or galit.
Basta ang mahalaga ay magpakabait lamang si Daniel – na huwag lumabag sa batas dahil pag nagkataon, hanggang 2016 lang ang residency niya. Co-terminus sa term ng mga Aquino, tama?
Lagare ang baby nating si Michael Pangilinan, ang tinaguriang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala dahil right after lunch ay kakanta siya sa Christmas party ng tita niya sa Q.C. lang naman. At 7 p.m. ay guest naman siya sa Christmas party ng Sutla Whitening products ni Mama Beth sa isang hall sa Marikina.
Dapat ay makakanta na si Michael sa Sutla party by 8 p.m. dahil naka-book naman siya to sing a few songs sa isang corporate Christmas party sa Makati by 9. Sayang nga at hindi na niya madaluhan ang Christmas party ng village nila at 5 p.m. dahil maiipit siya sa mga naunang commitments.
Instead of four events, nabawasan ng isa si Michael and we felt sad for that pero mahirap nang maipit sa schedule, di ba?
Na-enjoy ni Michael ang kaniyang pagdalaw sa mga pregnant women and senior citizens sa Abierta’s House of Friendship sa Santolan Road near Camp Crame kahapon.
He delightfully sang for the less-privileged women na ito who requested him to kahit drop by man lang. Tuwang-tuwa sila sobra. Nakakaiyak ang mga eksena.
Imagine, talagang sadyang ini-schedule ni Michael ito kahit via Facebook lang dumaan ang invitation. Hindi namin kakilala ang nag-invite pero obvious naman that it’s for a good cause kaya we entertained it.
Thanks to whoever invited us na makadalo – gustong-gusto ni Michael ang ganito. Hay naku, sarap ng feeling.
Good luck, Michael anak. May your tribe prosper. Mwah!