Horoscope, December 21, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi pa magugunaw ang mundo, kaya hindi dapat maging galante. Magsimula ka ng mag-savings at paghandaan ang future ng pamilya. Sa pag-ibig, papalamig na ang simoy ng hangin,  yakaping lagi ang giniginaw na kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Blue at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) –  Sa pinansyal, wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng kasuyo. Sa pag-ibig habang nalalapit ang kapaskuhan mas lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –  Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang mahiwagang kataga: “Ako’y yayaman….Yayaman ako! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Wag magtanim ng galit kahit kanino upang patuloy na lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyong Sagittarius, tutal nangako naman siyang hindi na uulit. Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Gray at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Upang muling uminit ang pagmamahalan, kailangan kang magpatawad. Sa pinansyal, tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –   Sa pinansyal, lumabas ka ng bahay para magkapera ka. Sa pag-ibig, panay ang awat sayo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga nya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Kailangan mong pairalin ang diplomasya, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hayaang ang kasuyong Cancer naman ang masunod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om-Padme-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –   Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin at lalong gaganda ang kapalaran.  mo. Kapag in love ka, ganon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating. Kaya tandaan bawal magalit at bawal din ang pangit. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pinansyal, habang nagpapakabuti  lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Pisces, may magandang kapalarang kang makukuha mula sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Tuwing magdarasal, magsindi ng kandila kulay pink. Sa ganyang paraan, susuwertehin ka sa salapi, liligaya pa sa pag-ibig at kusa ng matutupad ang iyong hiling at mga mithiin. Mapalad ang 3, 9, 21, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, By the power of light, All these luck, So be mine.” Bukod sa pink  buenas din ang red.

Capricorn – (December 22 – January 19) –   Iwasan ang pagkukuwanri upang mas madali makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lokohin. Mapalad ang 4, 13, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) –    Sa ibang bansa, mas magiging maligaya, sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Umpisahan ng mag-aplay sa abroad sa susunod na taong 2014. Isa lang ang dapat na iwasan, ang ka-immoral, upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Kung sayo talaga nakalaan ang magandang kapalaran, kusa sa iyong mapupunta ang nasabing bagay. Sa pinansyal ay ganon din, ang mahalaga, magnegosyo ka upang umunlad. Sa pag-ibig ay ganon din, sa mga huling araw na ito sa taong 2014, kusang babalik at muling iinit ang nausyaming relasyon. Mapalad ang 2, 11, 25, 32, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at green ang buenas.

Read more...