Death benefits sa SSS | Bandera

Death benefits sa SSS

Liza Soriano - December 20, 2014 - 04:45 PM

MAHIGIT sa isang buwan na rin simula ng mamatay ang aking tiyuhin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakakuha ng funeral benefits. Ang aking tiyuhin ay namatay sa Cabanatuan, Nueva Ecija pero sila po ay naninirahan sa Caloocan City. Hanggang ngayon ay hindi pa po naipa-file ang burial assistance o funeral benefits sa SSS. Maaari pa po ba itong i-file at san po mas magandang mai-file ang funeral benefits kung sa Nueva Ecija o sa Caloocan branch na ng SSS. Sana ay matulu-ngan ninyo kami.
Salamat po.
Joy Santos
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Santos at base na rin sa aming record ay may apat na buwan lamang ang contributon ng iyong tiyuhin sa SSS bilang voluntary member.
Dahil apat na buwan lamang ang kanyang contributions mangangailangan pa ito ng imbestigasyon at kinakailangan pang hagilapin ang kanyang employer.

Pinapayuhan din si Ms Santos na mas mabuting sa Nueca Ecija branch na lamang ng SSS mag -file ng funeral benefits upang mabilis ang pagproseso bukod pa sa mas kakaunti ang mga kakailanganing requirements.

Base naman sa iyong katanungan kung pupwede pa itong I file bagaman nakalipas na ang isang buwan ay maaari naman ito ngunit kinakailangan ng official receipt galing sa funeral at kung sino ang gumastos ay dapat sa kanya rin nakapangalan ang resibo para pag-release ng check ay walang problema.
Kung sa Nueva Ecija ipa-file ang mga dokumento, maaaring sa loob lamang ng isa hanggang dalawang lingo ay maaari nang makuha ang benepisyo ngunit kung sa Caloocan kukunin posibleng abutin pa ito ng mahigit isang buwan..

Mas mainam na agad na itong i-file upang makuha na ang naturang benefits.

Sanat ay nasagot na-min ang iyong katanu-ngan.
Salamat
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending