Pati mga payo ng nanay ay dinededma lang
Lumalala na ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.
Hindi na bago ang ganitong senaryo, paulit-ulit na lang na nagaganap ang ganitong kuwento, kahit naman noon ay palaging nag-aaway ang magkapatid na ito.
Ayon sa malalapit sa kanila ay mabait lang talaga si Ara dahil nakakaya niyang palampasin ang mga ginagawang paglaban sa kanya ni Cristine, talagang pasensiyosa si Ara, dahil kung sa ibang magkapatid lang nangyayari ang ganu’n ay baka matagal nang nanghiram ng mukha sa aso ang nakababatang aktres.
Ayon kay Ara ay matagal nang hindi nagpaparamdam sa kanilang pamilya si Cristine, kung bakit ay hindi rin niya alam, basta sa kanilang pagsasama-samang magkakapatid ay palaging wala si Cristine na pinagtatakahan ng kanilang ina.
Palasagot kay Ara si Cristine, mapanumbat din ang mas nakababata niyang kapatid.
Kung ang kanilang ina nga raw ay hindi naman nito pinakikinggan ay sino si Ara para magpayo sa kapatid niya na matigas pa sa bato ang ulo?
“Sana, maalala ni Cristine na nu’ng kalakasan ng kita ng ate niya, e, wala siyang hiniling na hindi pinagbigyan ni Ara.
Mabait sa pamilya niya si Ara, bago ang sarili niya, e, family muna ang una para sa kanya,” sabi ng aming source.
Hanggang ngayon ay ang haba pa rin ng pisi ng pasensiya ang pinaiiral ni Ara Mina, siya kasi ang mas nakaaabot, kaya ganu’n na lang kung pagpasensiyahan niya ang kanyang kapatid na sumosobra na ang kamalditahan at katigasan ng ulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.