Isinugod sa ospital si Kris Aquino noong Huwebes ng gabi, ilang araw matapos siyang maka-experience ng severe allergy dahil sa nainom na maling gamot.
Sa kanyang Instagram account, nag-post muli ang TV host-actress ng isang litrato na kuha mula sa kanyang kwarto sa isang ospital.
Ani Kris, sinubukan niyang tapusin lahat ng kanyang obligasyon pero bumigay na talaga ang kanyang katawan. Habang sinisulat namin ang balitang ito wala pang inilalabas na medical bulletin ang mga doktor ni Kris.
Kung matatandaan na-allergy si Kris nang aksidenteng mainom ang gamot ni Joshua, namaga ang kanyang mukha kaya pinayuhan siyang magpahinga ng isang araw.
MOST READ
LATEST STORIES