Condonation, hiling sa SSS

DEAR Aksyon Line:

Ask ko lang if magkakaroon ba ng condonation sa SSS kasi P7,000 lang ang salary loan noong 2003, ngayon umabot na sa P20,000.

Gusto ko na sana mabayaran. Nawalan kasi ako ng work nung mga panahon na ‘yon kaya hindi ko agad nabayaran.  Last year lang uli ako nagka-work.
Pilita Dayang

REPLY: Para sa katanungan ni Ms Dayang. Sa kasalukuyan ay malabo pang magkaroon ng condonation program.

Huling nagkaroon ng condonation program sa kasalukuyang administration ay noong 2012.

Sa ilalim ng condonation program noong 2012, nabigyan ng pagkakataon ang mga may pagkakautang o mga loan na hindi nababayaran na mai-waive ang 80 porysento ng penalty.

Ang condonation program ay inaaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at saka lalagdaan ng Pangulo para sa pormal na implimentasyon nito.

Kaya pinapayuhan si Ms Dayang na mas mabuting unti-unti niyang bayaran o bayaran ng installment habang wala pang condonation.

Sana ay nasagot naman ang iyong katanungan.
Salamat

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
Social Security
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streamingwww.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...