Puring-puri rin ni Vic Sotto ang anak-anakan niyang si Ryzza Mae Dizon sa “My Big Bossing”, showing on Dec. 25. Kung sa “My Little Bossing” ay medyo mahiyain pa ang emote ni Aling Maliit, this time, sinisiguro ni Bossing na aktres na aktres na ang bagets.
Sey ng TV host-comedian, talagang kinarir ni Ryzza ang mabibigat at mahihirap niyang eksena sa pelikula, “Nag-take pa siya ng scuva diving lesson aside from swimming para sa kanyang role bilang sirena, kasi kailangan niyang sumisid sa ilang eksena. At ang crying scenes niya rito, panalo!
“Imagine, sa kaliwang mata lang tutulo ang luha niya tapos babalik uli sa mata! Kinaya niya ‘yun!” tawa nang tawang pagbibiro ni Vic. “Hindi, honestly, hindi lang siya basta child star dito, masasabi nating child actress na siya dahil napakagaling ni Ryzza sa My Big Bossing,” pagmamalaki pa ni Vic sa kanyang “anak”.
In fairness, ngayon pa lang ay talagang inaabangan na ng milyun-milyong mga kids ang entry nina Bossing at Ryzza sa MMFF 2014 kaya nangangamoy blockbuster hit na naman ito.
Makakasama rin dito sina Ruby Rodriguez, Niño Muhlach at ang bibong anak niyang si Alfonso (ang kapalit ni Bimby Aquino-Yap sa movie), Maricar de Mesa, Nikki Gil, Manilyn Reynes, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Marian Rivera at marami pang iba.
At dahil tatlo ang kuwento ng “My Big Bossing”, tatlo rin ang direktor sa movie – sina Bb. Joyce Bernal na siyang nagdirek ng “Prinsesa” episode, si Marlon Rivera naman ang tumapos sa “Taktak” episode at si Tony Reyes para sa “Sirena”. Showing na ito sa Dec. 25 kaya abangan!