Jason Francisco: Mas responsable na po ako ngayon dahil sa baby namin ni Melai!

JASON FRANCISCO AT MELAI CANTIVEROS

JASON FRANCISCO AT MELAI CANTIVEROS

Mas naging responsable na ngayon si Jason Francisco dahil sa anak nila ng asawang si Melai Cantiveros.

Nakachika namin ang comedian  at dating PBB housemate sa presscon din ng “Shake Rattle & Roll XV” at mismong siya ang nagsabi na mahirap na masarap ang magkaroon ng sariling pamilya.

Pareho silang nagtatrabaho ni Melai ngayon dahil malaki-laki na rin ang kanilang baby. Kung minsan daw ay dinadala ni Melai ang bata sa taping or shooting, “Kung maayos yung location, halimbawa kapag sa isang bahay ang taping, du’n pwede niyang dalin si baby, pero kapag sa tent lang mag-i-stay habang naghihintay, hindi pwede, baka kasi magkasakit.”

Natanong din namin si Jason kung kumusta na sila ng dating kaibigan na si John Prats na nakaengkuwentro niya ilang buwan na ang nakararaan. Kung matatandaan sinapak ni Jason si Pratty matapos mapikon sa pang-aasar daw nito kay Melai.

Sabi ni Jason, “Okay na kami ni Kuya John. Nu’ng PBB Big Night rehearsal, nag-shake hands kami. Okay na kami, walang problema. Simple lang.”

“Nakikita ko naman siya lagi pero ayaw ko naman mag-approach so hinintay ko na lang siya. Marami naman na akong nagawa noon (tinangkang makipag-ayos), pero parang ayaw niya pa so hinintay ko na lang siya. Pero ngayon wala na ‘yun,” aniya pa.

Hindi pa sila nagkakausap nang masinsinan pero gusto niya raw na makapag-bonding uli sila kasama si Melai at ang iba pa nilang mga kaibigan.

“Shake hands pa lang. ‘Yun ang importante. Siguro kapag nagkasama kami ulit sa trabaho. Pero sapat na ‘yun. Wala na masyadong usapan. Basta kumamay sa ‘yo, okay na ‘yun,” ani Jason.

Read more...