NAGBABALAK nang makaroon ng sariling baby ang bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Diño. Nakabalik na sa Pilipinas ang mag-asawa mula sa Amerika kung saan ginanap ang kanilang kasal, at ayon nga sa dalawa, nagtanung-tanong na sila sa ilang clinic sa US kung paano sila magkakaroon ng biological child.
Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight kamakalawa, kinumpirma ni Aiza na gusto rin nila ni Liza na magkaroon sila ng sariling anak kaya ilang doktor na ang pinuntahan nila sa Amerika para magtanong kung paano at magkano.
“Yes, we have plans of having a kid, nanggaling na kami ni Aiza sa mga clinic doon (US), and they already explained to us the whole process,” ani Liza.
Sey naman ni Aiza, “Medyo mahabang proseso siya, so kailangan talaga pabalik-balik doon kaya dapat planuhin nang mabuti, basta ipapaalam namin.”
Sa ngayon, si Aiza na rin ang tumatayong tatay sa anak ni Liza sa unang asawa nito. Nauna nang sinabi ni Aiza na handa siyang gampanan ang lahat ng responsibilidad bilang ama ng bagets.
Samantala, nilinaw din ng mag-asawa na hindi sila magpapakasal dito sa Pilipinas, isang symbolic ceremony lang daw ang magaganap bilang confirmation ng pagpapakasal nila sa US.
“We’re not getting married here, kasal na kami sa States, for us, it will be a symbolic ceremony. Kasi ‘yung parents namin, yung mga friends namin nandito silang lahat, so, we have to gather them para sa celebration na ito,” sey ni Aiza.
Hirit naman ni Liza, “Kasi, number one of course, we dont have same sex marriage here, and we honor that, it’s still illegal here in the Philippines.
Pero kasi sa LGBT community, marami sa kanila gustong i-celebrate yung union nila, and there are some ceremonies being held here, so yun ang gagawin namin.”
Natanong din sila tungkol sa kanilang makukulit na bashers na lately nga ay tila hindi na nila kayang tiisin kaya nakapag-post sila ng mga maaanghang na mensahe.
“Actually, wala akong balak na patulan sila, for the longest time hindi kami nagsasalita, but we are aware of what’s being said. Ang gusto lang naman namin is empathy, their understanding…sa situation that we are in right now,” chika ni Liza.
Para naman kay Aiza, “Ako I also had my share of bashers, sa totoo lang medyo sanay na ako. I’ve already addressed it also sa IG ko, and I just wish that one day makahanap din sila ng saya na nararamdaman namin, ma-feel din nila one day yung pagmamahal na naibibigay namin sa isat isa.
And I believe kapag naramdaman nila yun tingin ko hindi na sila magsasalita against us.” Tungkol naman sa kanilang honeymoon, ani Aiza, “Wala pa, e. Saka na.
Siguro hanggang matapos yung ceremony, saka na naman iisipin yun. Tsaka maraming gastos, pero marami naman akong naka-schedule na work sa ibang bansa, baka i-segue na lang namin doon para libreng honeymoon. Ha-hahaha!”
Ano naman ang Christmas wish nila for their relationship? “Whatever we have now, sana mas lalo pang mag-grow,” tugon ni Aiza.
Sey naman ni Liza, “It’s such a great feeling na we believe, eto na kami, continuity na lang of what we’re doing every single day. I’m so excited sa pagsasama naming ito.”