Daniel, Kathryn hindi man lang maipagtanggol si Jasmine Curtis

kathryn bernardo
Walang karapatan ang mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na upak-upakan sa social media si Jasmine Curtis. Senyal ng kababawan ‘yun, sinisiraan ng ibang tagahanga ng KathNiel ang dalagang kung tutuusi’y wala namang ginawang masama sa kanilang mga iniidolo.

Kung pagsalitaan ng mga fans nina Daniel at Kathryn si Jasmine ay parang meron silang patago, parang sila ang nagpapakain sa magandang young actress, para bang meron silang solidong pruweba na pinagtangkaan ngang agawin ni Jasmine si DJ kay Kathryn.

Nakakaawa naman ang younger sister ni Anne Curtis, sinasalo na lang niya ang lahat ng mga ipinupukol na salita laban sa kanya ng grupo, pero hindi ngayon at nananahimik ang dalaga ay okey lang sa kanya ‘yun.

Kahit kailan ay hindi niya ginustong masangkot sa makasaysayang voice tape ni Daniel na siya ang tinutukoy na babae, wala siyang planong makipaglandian kay DJ, dahil meron na siyang boyfriend.

Sana’y tantanan na ng mga fans nina Daniel at Kathryn si Jasmine, ang kanilang mga idolo ang nasisira sa kanilang mga ginagawa, parang pinababayaan lang sila ng magka-loveteam na manira ng taong wala namang kasalanan sa kanila.

Read more...