Ai Ai nabwisit sa mga laitera, tumigil nang mag-Twitter, FB

aiai delas alas
HINDI namin masisisi si kagandahang Ai Ai delas Alas kung totoo mang tuluyan na niyang isinara ang kanyang social media accounts dahil sa walang tigil na pamba-bash sa kanya ng netizens.

Kung hindi na nga positibo ang naidudulot ng paggamit niya ng kanyang Twitter, Facebook at Instagram accounts, eh bakit ka pa nga magtitiyagang gumamit nito?

Agree rin kami sa sinabi niyang siya’y nagkapangalan at sumikat at nagkaroon ng kung anong meron siya ngayon kahit wala pa ang mga social networking sites na iyan.

Sadyang may mga taong binabagayan ng naturang means of communication at sa gaya ni gandang Ai Ai na nais panatilihin ang kanyang dignidad sa tamang responsibilidad, bonggang aksyon na nga ang naturang pagsasara niya ng kanyang social media accounts.

Iyan ang klasikong halimbawa ng kasabihang, less talk, less mistakes at no patol na to bashers. Ha-hahaha!

Read more...