MATAPOS magkaroon ng severe allergy sa katawan at mukha, balik-trabaho na ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
“The show must go on”, ang kasabihan nga sa showbiz.
Kahapon, nag-live agad si Kris sa morning show niyang Kris TV sa ABS-CBN. Bumilib muli ang kanyang mga kasamahan sa nasabing programa dahil sa professionalism ng TV host-actress.
“Deadma bells sa allergy na matindi. Ayaw ko na nga eh, kung pwede lang ihiga ito. Kung alam niyo lang I am floating sa dami ng antihistamine sa katawan ko,” ang sabi ni Kris sa guest co-host niyang si Carmina Villaroel.
Hindi pa totally magaling ang allergy ni Kris, ayon sa kanyang doktor, baka tumagal pa ng limang araw bago tuluyang mawala ang allergic reaction sa kanyang katawan matapos nga niyang mainom accidentally ang gamot ni Joshua.
“Kaya mag-ingat talaga kapag umiinom ng gamot. Make sure alam mo lahat ng allergy niyo,” ani Kris. Dugtong pa nito, “Na-realize ko na tulog ‘yung mga kids, nu’ng kumukuha ako ng gamot ‘yung ilaw lang ng cellphone sa drawer, so mali ang dampot.
So make sure, lalo na maraming gamot na magkakamukha.” Kung matatandaan, namaga ang ilang bahagi ng katawan at mukha ni Kris matapos mainom ang gamot ni Joshua na may sangkap na ibuprofen.
Sumakit kasi ang katawan at ulo ni Kris noong weekend at nagkamali nga siya ng dampot ng gamot. Samantala, ibinahagi naman ni Kris ang ilang mahahalagang lesson na natutunan niya bilang isang ina kina Josh at Bimby.
Ayon sa TV host, hindi lang material things ang mahalaga sa pagpapalaki sa mga bata, “I’ve learned as a mother, natutunan ko talaga na they need me.
Naramdaman ko na it’s not enough that I’m a great provider, I should be an ever present source of love, of caring. Kasi parang super ganda nga ng bahay ninyo, masarap pagkain ninyo, comfortable sila.
“Pero kung kumakain naman sila mag-isa gabi-gabi, parang what’s the point of all of that. So natutunan ko talaga how to balance, na parang kung hindi man ako makakauwi para mag dinner kami, sila yung pumupunta.
“And yung paggising, kahit na umuwi ako ng 6 in the morning, ‘tapos paalis na si Bim, talagang hihintayin ko. Makikita niya na nandu’n yung nanay niya. It’s a gift of time, ‘di ba. And nakita ko yun.
“And happy naman yung dalawa. Kasi pag nakita nila na walang angst nanay nila, happy sila. So ang dami kong natutunan. Siguro yung sinasabi niyo kanina, ewan ko kung binobola niyo lang ako na maganda ako.
Siguro, generally, happy person lang talaga ako. Walang angst sa katawan,” paliwanag pa ni Kris. Sa huling interview ng entertainment media kay Tetay, natanong siya kung ano ang Christmas gift niya sa mga abnak, aniya hindi siya nahirapang pumili ng regalo para kina Josh at Bimby.
“For Bimb, nabili na. Sana dumating na, kasi nakita ko kay Tom Rodriguez, he was just the nicest kasi in-explain pa niya sa ‘kin kung saan oorderin. Your PS4 or your XBox One or anything, ilalagay mo du’n, it’s like a maleta.
Sa loob nung maleta, may screen. Tapos ‘yong screen na ‘yon, LED. Tapos may mga speakers or you can use your headphones.
“Anywhere you go, kasama mo na yung gaming system mo.
So nu’ng nagshu-shooting, nakita ko, ‘tapos nakita ko talaga yung mata ni Bim na nanlaki talaga. So, inorder ko na. So yun yung gift sa kanya.”
“Si Josh, didn’t ask for anything material. Si Kuya, ang hiningi lang niyang gift, bigyan ko raw siya ng money para lahat daw ng tao sa house, mabigyan din niya ng money. So sinabi ko, okay.
Kasi yun ang joy ni Josh, mag-Santa Claus,” ani Kris.