One on One with Slater Young: SLATER: Hindi ko type si TONI GONZAGA!

Sina Anne, Solenn, KC at Yeng ang tipo niyang babae

Ni Reggee Bonoan

TULAD ng naipangako namin, narito ang kabuuan ng
aming exclusive one on one interview sa itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Unlimited Edition na si Slater Young.

Noong Miyerkules, nalaman natin kung gaano kasimple ang binata sa kabila ng karangyaan nila sa buhay, kung paano siya nagsikap at nagpakahirap para lang patunayan sa kanyang  sarili at sa buong mundo na kaya niya maging independent sa kahit anong aspeto ng kanyang buhay. Narito ang naging takbo ng aming panayam kay Slater Young.

BANDERA: Sa pagpasok mo sa PBB, dumaan ka rin ba sa mahigpit na proseso? Pumila ka rin ba o dahil kilala na ang manager mo (Ericson Raymundo, manager din ni Sam Milby) ay naging madali ang pagpasok mo sa loob ng Bahay ni Kuya?
SLATER YOUNG: Oo, pumila ako, sa search for audition, mga July and August kasi twice ‘yun.  Tinawagan ulit ako for second audition. Sa first audition, tinanong ako kung what do you think you can offer when you enter PBB, sabi ko, ‘I think, I have the personality.’

B: Ano ang naging reaction ng nag-interview sa ‘yo?
SY: Naalala ko pa, sabi ni direk Lauren (Dyogi) sa akin, ‘Kinakabahan ka ba?’ Sabi ko, ‘Intimidated lang po sa inyo, direk.’

Du’n sa second audition, ‘yun ang matindi, kasi paulit-ulit na, that was from 7 in the morning, natapos kami 12 na ng hatinggabi.

Ang dami naming ginawa like sabi nila, ‘Say something crazy at ginawa ko, kumanta ako ng ‘Just The Way You Are’ (wala sa tono), tapos what’s your biggest failure.

I think naipalabas naman ‘yun sa PBB, ah, I failed my first board exam, tapos sinabi ko kay direk Lauren na I did not stop, I took again, kasi I didn’t study nu’ng una talaga.

B: Noong grade school at high school (Ateneo University de Cebu) ka raw ay honor student ka, bakit nu’ng college (University of San Carlos de Cebu) nawala na?  
SY: Oo nga, e. Nag-take ako ng Civil Engineering pero average student na lang ako.

Siguro kasi, masyado akong nag-relax when I was in college, hindi na ako masyadong nag-aaral, masyadong kumpiyansa na, ganu’n.

B: Apat kayong magkakapatid, (dalawang lalaki at dalawang babae) ikaw ang panganay, at lahat kayo nagtatrabaho sa family business n’yo, totoo ba na maliit lang ang sweldo n’yo du’n?
SY: My dad (John Young) kasi taught us the hard way in earning money, ako I only received P20,000 a month, kasi gusto ng parents namin na matuto kami kung paano mag- value ng pera.

Kasi yung father ko dumaan din sa pagiging empleyado bago nagkaroon ng sariling negosyo. From humble beginnings din kasi ang tatay ko.

Nagtatrabaho siya sa Canada (OFW), and then he decided to work in Cebu na lang as civil engineer and before the company became big, he started repairing roofs lang, repair-repair, plumbing, until naging construction company na.

B: Ano’ng mga naging pagbabago sa family mo nu’ng nasa loob ka na ng PBB house  ?  
SY: Ang pinakamalaking naibigay ng PBB sa akin, I make my parents very proud. Sobrang masaya sila sa lahat ng nangyari.

Kasi sa tingin nila, parang I set a good example inside the house.  At minsan ko lang makita na sobrang saya ng mom ko.

B: In-expect mo ba na ikaw ang mananalo?  
SY: Hindi ko ini-expect na magtatagal ako sa loob, kasi pagpasok ko, sobrang konting damit lang dinala ko, kasi alam ko two months lang ako, pero hindi naman ako magbo-voluntary exit.

Alam ko kasi marami kami, nu’ng pagpasok ko, ang alam kong mananalo si Biggel talaga, kasi nakikita ko ‘yung personality niya at ‘yung story niya sa buhay (gusto raw kasi ng Pinoy ang madramang buhay) tapos ako, walang angst sa buhay, walang problema.

Tapos nu’ng eight na lang kami, doon ko na naisip na may laban ako kasi from 33 housemates, nandoon pa rin ako.

Tapos naisip ko na kasama ako sa big four lang.

Maski na nu’ng finals night, hindi ko ini-expect na mananalo ako kasi si Pamu ang naisip ko.

B: Ano ang na-feel mo nu’ng in-announce na ang pangalan mo bilang Big Winner?
SY: Grabe, hindi ako makagalaw ng manalo ako, numb  buong katawan ko.

B: Sabi mo ang inisip mong mananalo ay si Pamu o kaya ay si Biggel, bakit hindi mo naisip si Paco?
SY: Hindi ko siya naisip. Hindi naman sa hindi ko siya gustong manalo.

Pero alam ko kasi na marami kaming hindi napagkasunduan sa loob, hindi kami magkasundo, ‘yung ideas namin hindi magkapareho, lagi kaming nagko-kontrahan.

B: Totoo ban a inubos mo raw ang mana mo sa text votes para manalo ka sa PBB?
SY: Akala ko nga rin lagi silang bumuboto, hindi pala, parang sa last three nights na lang pala sila (pamilya) bumoto.

Yung first daw wala silang ginawa, gusto raw kasi nilang malaman kung gusto ako ng tao, nag-effort daw silang bumoto nu’ng last three nights na.

B: Good boy ka ba talaga? Wala ka bang kalokohan kahit kaunti sa katawan?
SY: Wala naman akong ginawang something, hindi naman ako palaaway, malumanay akong tao, kinakausap ko kasi ng masinsinan, turo ng dad ko na, keep your temper kasi nga sa employees namin., never akong naging confrontational.

Siguro nasanay kami sa business.

B: Umiinom ka rin ba, gumigimik?  
SY: Oo naman, kapag gumigimik kami, umiinom ako, kami ng mga friends ko.

Pero hindi naman ako nalalasing na parang gumagapang na, hindi. Normal naman ang buhay ko.

B: Gusto mo raw lagi kang may girlfriend, hindi ka ba mabubuhay ng walang babae sa buhay mo?
SY: Hindi ko alam, gusto ko lang nasa ‘in a relationship’ status ako, pero hindi ako babaero, one at a time lang ako.

Before I entered PBB, nag-break na kami ng girlfriend ko, hindi na kami magkasundo.

B: Pilyo ka rin ba lalo na pagdating sa usaping sex? Mala-Stifler din ba ang buhay mo sa Hollywood film na ‘American Pie’ pagdating sa girls?
SY: Tungkol sa sex, hindi naman tayo nagpapakalinis.

May nagtanong nga sa akin kung paano ko raw kinakaya (walang sex) nu’ng nasa loob ako ng PBB house.

Pag naisip ko kasi ‘yun, tsine-change ko ‘yung topic or nagsu-swimming na lang ako. Ha-hahaha!

Hindi ko alam kung napapansin ‘yun (ng mga kasama ko) kasi biglang magda-dive na lang ako sa pool, swimming ako mag-isa.

Minsan kasi, niyaya ako ng mga housemates na mag-swimming, hindi ako sumasama, pero kapag napi-feel ko na ‘yun (naa-arouse), saka ako magsu-swimming!

B: Ano ang ginawa mo pagkalabas ng Bahay ni Kuya?
SY: Naligo, nagbabad sa tubig, ‘yung pakiramdam ko na malinis na ako.

Kasi sa loob, five minutes lang kami maligo, parang hindi ko alam kung malinis na ako.

Tapos gusto kong matulog ng walang wake-up call.

B: Ngayong tapos na ang PBB, sabi mo nga gusto mo lagi kang in a relationship, may balak ka bang manligaw uli?  
SY: Saka na ‘yun, ayusin ko muna itong new career ko. Dito muna ako magpo-focus, kasi nandiyan na ang mga opportunities, e.

B: Sinu-sino ba ang crush mo sa showbiz?
SY: Si Anne Curtis. I think alam naman ni Sam ‘yun, sabi ko nga, sorry Sam. Ha-hahaha! I like her figure. Si Solenn Heussaff din. nagagandahan din po ako kay KC Concepcion, si Yeng Constantino kasi walang arte. Si Erich Gonzales, basta simple lang, walang make-up.

B: Si Toni Gonzaga, simple lang din at hindi mahilig mag-make-up, hindi mo ba siya naging crush?   
SY: Ay, hindi ko type si Toni kasi medyo mature na ang dating niya. Hindi pa ako dumating sa ganu’n level of maturity.

Read more...