Abra nai-in love na kay Julie Anne San Jose?

julie ann san jose abbra
Diretsong inamin ng magaling na rapper na si Abra na mas dumami ang fans niya simula nang ma-link siya kay Julie Anne San Jose. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa Julie Anne supporters dahil suportado rin siya ng mga ito.

Hindi rin daw siya bina-bash ng fans ng Kapuso singer kahit na natsitsismis silang dalawa. Sa katunayan, meron pa ngang nabuong fan clubs para sa kanila tulad ng BRAPS na nangakong susuportahan din ang entry nila sa MMFF 2014 na “Kubot” starring Dingdong Dantes.

Nang tanungin ang young rapper kung nai-in love na ba siya kay Julie, nangiti lang ang binata sabay sabing, “Hindi pa naman umaabot sa gano’ng level. Tama lang po. Okey po si Julie—maganda, mabait, matalino at napakaraming ideas.

Dun kami siguro nag-click kasi pareho kaming maraming gustong gawin sa music namin. We’re good friends. Professional lang ang relationship namin,” aniya pa.

Actually, ma-raming fans ni Julie Anne ang boto kay Abra, bukod daw kasi sa talented ang binata ay mabait pa. Kaya iyan ang aabangan natin, malay mo may ma-develop!?

Read more...