Rachelle Ann, Christian, magde-date sa London

christian bautista
DINENAY ni Rachelle Ann Go ang napabalitang may “something” na namamagitan sa kanila ng kanyang co-star sa musical stage play na “Miss Saigon” na pinagkakaguluhan pa nga rin hanggang ngayon sa London.

Nang dahil lang sa isang social media photo ay naibalita na agad na nagkakamabutihan na raw ang dalawang theater actors,  mismong si Rachelle Ann na ang nagsabing walang namamagitan sa kanila ni Dale Evans, pero nagiging malapit na raw silang magkaibigan.

At ang chika nga ay beki raw ang naturang foreigner kaya imposible silang  magkagustuhan ni Rachelle. Samantala, alam na rin ng Kapuso singer na pupunta ngayong holiday season sa London ang ex-BF niyang si Christian Bautista, at may tickets na rin ang singer-actor sa “Miss Saigon”, pati na rin sa musical play ni Mark Bautista na ipinalalabas din sa London.

Looking forward nga raw si Rachelle sa kanilang muling pagkikita. Inaasahan na raw niya ang bonggang pagba-bonding uli nila sa London.

Literal namang malamig ang Pasko nina Rachelle Ann at Mark doon dahil sa klima pero nagiging mainit daw yun dahil sa tagumpay ng kanilang mga stage play.

Read more...