Mommy Caring umamin: kontra sa kasalang Aiza-Liza

mommy caring
Ipinagtanggol ni Mommy Caridad Seguerra ang anak na si Aiza at ang asawa nitong si Liza Diño sa mga taong bumabatikos sa bagong kasal.

Sa The Buzz last Sunday, nagsalita nga ang nanay ni Aiza, anito, “Kung pulaan man, wala tayong magagawa. Napakasakit na pulaan. Maraming nagagalit. Wala akong magagawa.”

“Isa ako sa mga magulang na kahit ayaw ko, hindi ako (sanay) sa ganu’ng buhay, pero kinaya ko dahil anak ko ang naliligayahan,” ani Mrs. Caridad.

Hindi man diretsong sinabi ng nanay ng singer, halatang awang-awa na ito sa anak dahil sa kaliwa’t kanang pambabatikos sa pagpapakasal nito kay Liza.

Dagdag ni Mommy Caring, alam niyang hindi niya maibibigay kay Aiza ang kaligayahang nakukuha nito kay Liza kaya hindi na siya kumontra sa desisyon ng mga itong magpakasal sa Amerika.

Nitong nakaraang linggo, tila napikon na sina Aiza at Liza sa pamba-bash sa kanila ng netizens. Ayon kay Liza, “We are not standing up for anything, we are just exercising our right to be treated equally.

If you’re not used to it, then DEAL with it. If you can’t stand it, then by all means, PLEASE leave us alone.”  “Our silence doesn’t mean that we accept your prejudiced opinions, it’s just that your ignorance has rendered us beyond words it’s almost funny,” mensahe pa nito sa kanyang Instagram account.

Ayon naman kay Aiza, “To our beloved haters. Thank you for making Liza and I stronger. May you find love, peace and happiness.”

Read more...