ALASKA ACES PASOK SA SEMIS

WALANG kahirap-hirap na pinatalsik ng Alaska Milk ang Meralco kahapon matapos itala ang 87-69 pagwawagi na naghatid sa Aces sa semifinals ng 2014-15 PBA Philippine Cup sa larong ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagtaguyod ang Aces ng 15-puntos na kalamangan matapos ang unang yugto at nilimita ang Bolts sa 25 puntos sa pagtatapos ng first half para itatag ang 22-puntos na bentahe sa ikatlong yugto tungo sa magaang na panalo sa pagtatapos ng laro.

Ang susunod na makakatapat ng Aces ay ang Rain or Shine Elasto Painters, ang koponang bumigo sa kanilang hangarin na makadiretso sa semis.

Si Vic Manuel ay kumana ng 17 puntos para pamunuan ang Aces na may apat na manlalarong umiskor ng double figures.

Si John Wilson ay gumawa ng 16 puntos para pangunahan ang Bolts na hindi nakakuha ng mahalagang opensa mula kina Gary David, Jared Dillinger at Cliff Hodge na nagsanib lamang sa 15 puntos.

Read more...