Lovi Poe napatawad na ni Direk Erik Matti: Pasko naman, e, ok na yun!

 

SA ginanap na grand presscon ng “Kubot: The Aswang Chronicles 2”  na entry ng GMA Films, AgostoDos at Reality Films ngayong 2014 Metro Manila Film Festival, ay nakiusap si direk Erik Matti na huwag nang pag-usapan ang nangyari sa kanila ni Lovi Poe.

Dapat sana’y kasama si Lovi sa ikalawang franchise ng “Aswang Chronicles” bilang leading lady ni Dingdong Dantes, pero biglang umurong sa hindi malamang dahilan hanggang sa palitan siya ni Hannah Ledesma.

Ayon kay direk Erik, “Tapos na ‘yun Christmas na. Ako nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa post na ‘yun so after that with Hanna Ledesma (artistang pumalit kay Lovi) with that okey na.

“Kung wala kaming nahanap na Hanna malamang siguro hindi pa ako okey,” paliwanag ni direk Erik. Dugtong pa ni direk, “So, ayan na tapos na ang movie, dati nagpapanic kami na hindi kami matatapos, pero ngayon atleast tapos na ang movie, everyone is happy.”

Tinanong din si Dindong tungkol dito bilang isa sa producer ng “Kubot” kung ano naman ang naging dating sa kanya, “Lahat naman ng proseso sa paggawa ng pelikula, lahat naman hindi puro magaganda, ang mahalaga eh, yung final result.

“This is what we have, so lahat naman nang nangyari ay nakatulong sa amin para sa experience sa paggawa ng mga susunod namin. Mas maganda sana kung ‘wag na nating i-tackle kung ano yung past, ang mahalaga is we learn from it,” paliwanag ni Dong na malapit nang ikasal.

Natanong naman si direk Erik kung ano ang pagkakaiba nila sa ibang horror movies na entry din sa MMFF, “Maganda ang kuwento tatayo yun eh, in our case kasama naman namin si Dong, two time best actor, hindi na namin kailangan ang iba pang box office.

Sa totoo lang, we put together a really interesting cast members. “If you’re gonna see Lotlot (de Leon), I hope you can see it, sayang lang na walang premiere eh, sobrang saya, and I was surprise na first time pala niya na gumawa ng ganito ka-lukaret na role.

“You’ve never seen Isabelle (Daza) doing all the physical , and we made sure na kita talaga ang mukha niya and of course knowing that were joining Metro Manila Filmfest we put in a whole rollercoaster ride of popcorn friendly na movie there’s a lot of fun in it, a lot of excitement in it, I think that alone is enough for the Christmas season for the family to enjoy it, barkada would specially enjoy it,” diretsong sabi ng direktor.

Read more...