HAYAN na naman ang mga komunista, ang mga kaliwa. Tulad noon, parating may pagtutol. Ngayon, tutol sila sa Radio Frequency Identification tags na ikakabit sa mga sasakyan, sa pamamagitan ng Land Transportation Office.
Noon, mahigpit ang pagtutol nila sa National ID System, na simulang isinulong noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos. Siyempre, hindi makakukuha ng National ID ang mga kasapi ng New People’s Army.
“No ID, no entry” sa komunista.
Ngayon, natatakot sila na baka manmanan sila ng pamahalaan sa pamamagitan ng RFID. May RFID na rin sa ibang bansa at hindi ito ginagamit sa paniniktik.
Kung walang ginagawang masama at walang batas na nilalabag, di dapat matakot ang komunista. Nasa Kamara na nga sila.
Takot ka ba sa RFID at napatunayan na ba ang takot mo, o nasa imahinasyon lang yan?
BANDERA Editorial, 092709