Sa halip na resbakan at patulan ang mga taong naninira at nanlalait sa kanya, pinasalamatan pa ng TV host-comedian ang kanyang bashers dahil mas naging matatag at mas naging understanding pa siya.
Ayon kay Vice, kailangang matutinong magpasalamat ang isang tao sa mga nanakit sa kanila, dahil para sa kanya, mas nagiging matapang at mas nagiging mapagtawad ang isamg tao kapag marunong tumanggap ng reyalidad ng buhay.
Sa ABS-CBN Christmas Special na ipinalabas noong Sabado, “Nasubukan niyo na bang magpasalamat sa taong nanakit sa inyo? Nasubukan niyo na bang magpasalamat sa taong nagpaluha sa inyo? Nasubukan niyo na bang magpasalamat sa mga taong naging sanhi ng sugat sa mga puso niyo? Dapat.
“Dapat magpasalamat rin tayo sa kanila. Dahil ‘yung mga taong nanakit sa atin, ‘yan ‘yung nagpatunay na tayo ay mabubuting tao. Higit na mabuti kaysa sa kanila,” sabi ni Vice na naging madamdamin ang pagkanta ng “Taller, Stronger, Better” ni Guy Sebastian.
Samantala, tigas pa rin sa pagtanggi si Vice na magbigay ng detalye tungkol sa bago niyang inspirasyon. Anang komedyante, hindi raw magiging malamig ang kanyang Pasko, pero ayaw na niyang magkuwento tungkol dito.
Pero totoo kaya ang mga kumakalat na chika na basketball player pa rin ang bagong dyowa ni Vice? True kaya na isa mga dati nang katropa ng It’s Showtime host ang bagong lalaki sa buhay niya? Well, hindi na yan nakapagtataka dahil noon pa naman alam na ng madlang pipol ang kanyang kahinaan.
Samantala, tulad ni Kris Aquino, marami rin ang naniniwala na ang entry nila sa MMFF 2014 na “The Amazing Praybeyt Benjamin” ang mangunguna sa taunang filmfest.
Ayon sa ilang nakausap namin, ang pelikula nina Vice, Richard Yap at Bimby ang una nilang panonoorin sa pagbubukas ng MMFF sa Dec. 25.
At ang susunod daw sa listahan nila ay ang “Feng Shui” nina Kris at Coco Martin at ang “My Big Bossing” para naman daw sa mga anak nila. At siyempre, isusunod nila ang “Shake Rattle & Roll 15”.