Isabelle na-shock sa ABS-CBN: Ang dami palang intriga dito!

kim chiu

Kabilang si Isabelle Daza sa mga aswang slayer sa Metro Manila Filmfest entry ng Reality  Entertainment, GMA Films at Agosto Dos, ang “Kubot: The Aswang Chronicles” directed by Erik Matti.

“Ako si Dra. Lex sa movie at nanghuhuli ng mga aswang, parang mala- Angelina Jolie sa ‘(Tomb Raider) Lara Croft. It’s an adventure movie more than horror, e,” simulang kuwento ni Isabelle.

Hoping si Isabelle na mapo-promote niya ang “Kubot” sa bago niyang home studio, ang Kapamilya network. And speaking of Kapamilya, inamin ni Isabelle na na-culture shocked siya sa paglipat niya sa ABS-CBN.

Feeling ni isabelle, from day one na lumipat siya sa Kapamilya network, everything she posts sa social media, it’s always a big issue. “Oo nga, e. Alam mo, ang daming ano, ang daming intriga doon sa kabila, ganoon pala ‘yon.

Actually,  that was I got shocked about. Parang tinatanong ko ‘yung mga friends ko, si sina Anne (Curtis), si Iza (Calzado), si Karylle, ‘Ganito pala dito.’

“Kunwari magpo-post ako  ng photo ni, whatever, (let’s say) Gerald, ang daming  mga isyu, ang daming mga comments.  So, post ako ng Kim Chiu, ang dami na namang mga isyu.

And then, mag-post ako ng whoever, basta every single post, may issue,” esplika niya. Dagdag pa niya, “So, I’m just thinking of it na, ‘Sige, okey lang. Kasi first time ko na-feel ‘to, e.’

Ayoko ng, you know what I mean? I can’t do anything about it, it comes with the territory when you transfer that you’re gonna be linked and you’re gonna  be given issues and I think that’s how they do.”

Feeling ni Isabelle, “nabinyagan” siya sa pagpasok niya sa Kapamilya network, “Yeah, ‘yun na nga! ‘Yung parang, ganito pala dito. Sa Eat Bulaga, parang walang masyadong isyu, ‘di ba? All of them are my friends.

So, parang dito, ‘A, okey. Ganito pala,” pag-analisa ni Isabelle. Nilinaw naman niya ang isyu na may sinabi siya against one of the brightest stars ng ABS-CBN na si Kim Chiu, “Wala akong sinabi.

Pero there are a lot of rumors coming out.  So, I mean, what can I do.” Hindi raw niya sinabing baduy manamit si Kim and some other Kapamilya stars like Toni Gonzaga who just like her ay naging co-host rin sa Eat Bulaga, “Honestly, wala akong sinabi but okey lang it came out because parang ‘yun na nga, parang they’re saying that it comes with the territory,” esplika ni Isabelle.

Read more...