Rachelle Ann nililigawan ng co-actor sa Miss Saigon

rachelle dale
Maraming followers si Rachelle Ann Go sa Twitter at Instagram ang kinilig nang mabasa at makita ang ilang litrato ng singer kasama ang co-star niya sa musical stage play na “Miss Saigon” na si Dale Evans.

Makikita sa picture si Dale na kumuha ng mirror selfie kasama si Rachelle Ann na may caption na: “Me and my mahal @gorachelleann. #shindale.”

Ipinost din ito ni Rachelle Ann sa kanyang Twitter account na may mensaheng, “I think you are wearing my Christmas tree hahaha!cari ti!” Ang “cari ti” sa salitang Welsh ay “love you.”

Na sinagot naman ito ni Dale ng: “it [suits] me no? Mahal kita x.” Pinapalakpakan ngayon si Rachelle Ann bilang si Gigi sa “Miss Saigon” sa West End, London at dito nga niya nakilala ang co-star niyang si Dale.

Sa huling interview kay Rachelle Ann sinabi nitong araw-araw siyang tinuturuan ng Welsh ni Dale at siya naman ang nagtuturo rito ng Tagalog.

Kaya ang tanong, may relasyon na nga ba ang dalawa? Baka nga pagbalik ng Kapuso singer sa Pilipinas next year ay kasama na niya si Dave bilang bagong boyfriend.

Read more...