BY the time na mabasa ninyo ang column na ito, malamang na nakalapag na kami sa Kuala Lumpur, Malaysia, 6:30 a.m. kasi ang flight namin.
But if there’s one person who’s most excited sa biyaheng ito ay walang iba kungdi ang ating baby 2 ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala dito sa Pilipinas pero tiyak na siyang magiging Bagong Kilabot Ng Mga Guro sa Malaysia (Ha-hahaha!) na si Michael Pangilinan.
Kasi nga, this is his first ever trip abroad – as in. He will be part of the performing artists (Regine Velasquez, Derek Ramsay, Ate Gay and impersonator Ate Regs) na manghaharana sa ating teachers na naka-base sa Malaysia and other OFWs therein.
Part ito ng advocacy ng Gabay Guro ng PLDT kung saan ay very active si Michael as their supporter. Paborito kasi siya ng mga officers ng PLDT kaya isinama siya.
“Nag-Google na ako sa mga dapat puntahan sa Kuala Lumpur. Pagdating na pagdating natin doon, magsa-shopping ako ng konti para sure na meron akong maipasalubong kina mama, basta ipasyal mo ako, ‘Nay ha,” lambing ng anak natin.
Siyempre, kulang na kulang kami sa tulog dahil 3:30 a.m. pa lang ay nasa NAIA na kami to check-in kaya kahit antok na antok ako by the time na makarating kami roon, sasamahan ko muna si bagets sa konting pag-ikot.
Pakakainin ko muna siya ng kung anumang specialty roon – wala akong balak mag-shopping, ‘no! Walang dahtung. Tama na yung magkape-kape na lang ako sa mga coffee shop doon while Michael is touring part of the city.
Baka kasi maligaw kaya sasamahan ko – as if naman nakapunta na ako ng Kuala Lumpur, Malaysia. Ha-hahaha! Wala naman akong alam na lugar doon. Di bale, iba na rin yung masamahan siya para makampante ako. Hay buhay!
“Excited ako dahil matatatakan na ang passport ko. Makakalabas na rin ako finally ng Pilipinas – another wonderful experience. Kahit two days lang tayo roon, nanamnamin ko talaga, ‘Nay!” ani Michael.
That’s the child in our young boy Michael. Lumalabas talaga. Gosh naman, kahit dito sa atin, pag walang singing engagements iyan, palaging nasa basketball court or if not, nasa internet shops at naglalaro ng Dota.
Nakakaloka, di ba? 19 years old na, laman pa rin ng internet shops. Mas gugustuhin ko na lang iyan kaysa mapabarkada sa mga lasenggo at mga durugista.
Michael will be singing four to five songs para sa ating mga guro sa Malaysia. He has prepared many songs para just in case na mag-request pa sila ay handa siya. And you must be proud of this young boy – he’s doing this event for free.
“Charity show kasi ito, kaya okay lang sa akin iyon. Marami naman tayong shows na may talent fee kaya once in a while ay dapat din tayong magbigay ng free services sa ibang events tulad nito.
Basta Gabay Guro game ako. Anytime and anywhere,” he promised. Sa totoo lang, when Michael guested sa Radyo Singko ng TV5 for the promo ng Gabay Guro, mismong si Mr. Manny Pangilinan ang nag-text sa isang officer niya asking kung kamag-anak daw ba niya itong si Michael dahil magaling daw kumanta.
Siguro singer din ang big bossing ng TV5, di kaya? Nangulit kasi si MVP kung sino raw ba ang tatay ni Michael at kung taga-Apalit, Pampanga daw ba ito.
Michael’s dad Tony is from Candaba, Pampanga. Aniya, ang mga great grandfathers at mga uncle nila ay taga-Candaba talaga na nag-migrate lang ang iba sa Apalit.
Meaning, magkamag-anak nga sila ni MVP pero nahihiya silang magpakilala dahil iba raw ang estado ng buhay nito. Nakakahiya naman daw pag na-deny sila.
Mismong si MVP na this time ang nagtanong kaya natuwa silang mga Pangilinan. Ang bilin ni MVP sa officers niya, isama raw si Michael sa iba pang mga Gabay Guro events lalo na doon sa Hongkong.
Natuwa si MVP sa husay ni Michael sa pagkanta and he’s willing to support daw our boy. Sana ay makapunta si MVP sa Kuala Lumpur, Malaysia para lalo niyang makita in person ang husay ni Michael sa pag-perform.
Nakakaawa nga si Michael sa schedule niyang ito. Kasi nga, kahapon ay late morning na sila dumating ng road manager niyang si Douglas Brocklehurst from a very successful LoveRadio event sa Dumaguete.
Then, diretso na siya sa Resorts World para mag-check-in at makapagpahinga ng konti dahil meron siyang 1 to 4 p.m. rehearsal para sa Awit Awards last night where he was one of the performers with KZ Tandingan, Morisette Amon and Marion Aunor.
Rightafter ng portion nila sa Awit Awards ay tumakbo muna sila sa Sumulong sa Antipolo para sa natanguan niyang guesting for Mayor Junjun Ynares na dapat sana noong Lunes ginanap kaya lang, since may bagyo, na-reset ito last night.
By midnight ay umuwi na siya para mag-impake for this trip to Malaysia. Sa plane na lang siya natulog nang konti para pagdating sa Kuala Lumpur ay may energy siya para makaikot.
In fairness naman sa batang ito, hindi ito mareklamo. Basta patulugin mo lang nang maayos at pakainin, ayos na iyan. Kaya after niyang mag-ikot, sleep muna anak ha. Kaloka! Mabuti siya ganoon, eh ako?
Natural, gurangtsina na aketch kaya hindi na ganoon kataas ang energy level ko. Kaya siya na lang ang maglibot at hintayin ko na lang siya sa kung saan may kapihan at smoking area.
Tiyak na magkakasundo kami pag ganoon. Ha-hahaha! Hay nakum good luck na lang sa biyahe naming ito. Basta sa Lunes ng gabi ay balik na kami. See yah!