Magkakabalikan pa ba? (2)

Sulat mula kay Anna Liza ng Malabal, Calbiga, Western Samar
Problema: 
1.      Mag-iisang buwan na kaming hiwalay ng boyfriend ko, nakapanghihinayang kasi magpa-pasko pa naman. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung magkakabalikan pa kaya kami. Minsan naiisip kong ako na ang magparaya, o unang tumawag sa kanya, kaya lang may pride din naman ako.
2.      Ano sa palagay nyo, ako na ba dapat ang unang makipagbati, kaysa mawalan ako ng boyfriend ngayong magpapasko pa naman? At ask ko din po kung compatible po ba kami? September 7, 1992 ang birthday ko at April 29, 1991 naman ang boyfriend ko?
Umaasa,
Anna Liza ng Western Samar
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang boyfriend mo ang nagsasabing sadya at kayo ay compatible sa isat-isa, kung kaya’t anuman ang mangyari sa bandang huli – magkakabati at magkakabalikan din kayo nang kusa.
Numerology:
Ang birth day mong 7 at 29 naman ang boyfriend mo ay nagsasabing kapwa kayo mabait at madaling magkakaunawaan, yon nga lang dahil medyo “ma-pride or ma-ego ka” tumatagal tuloy ang pagbabati ninyong dalawa. Su-balit kung ikaw na ang gagawa ng unang hakbang, tulad ng nasabi na sa Cartomancy walang ibang papatunguhan ang inyong relasyon kundi ang isang maligaya at matimyas na pagmamahalan.
Graphology:
Masyado kasing matutulis ang mga letra at salita sa iyong lagda, kaya medyo maramdamin ka sa kasalukuyan. Bilugin mo at buksan ang ibabaw na bahagi ng letrang “a” sa iyong lagda, upang lalo kang maging “sensual” at mas maging lalo pang mapagmahal.
Huling payo at paalala:
Anna Liza ayon sa iyong kapalaran, wag mo ng pairalin ang iyong “pride o ego”  sa halip, ikaw na ang unang mag-text o tumawag sa iyong boyfriend upang kayo ay magkabati. Alalahanin mong mahirap ang walang boyfriend ngayong Pasko, at isa pa, tandaan mo ring ang diwa ng Pasko ay pag-ibig at pagpapatawad. Patawarin mo na ang boyfriend mo anuman ang kanyang nagawang kasa-
lanan, makipagbati ka sa kanya upang sa Paskong darating lalo pang umiral ang isang wagas at dalisay na pag-ibig na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng relasyon.

Read more...