Horoscope, December 12, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Konting tiis na lang, sa pagpasok ng buwan ng Enero sa susunod na taon ay kusang papabor sa iyo ang kapalaran. Sa pag-ibig, magiging masaya na ang pakikipagrelasyon sa kasuyong isinilang sa buwan ng Mayo. Mapalad ang 9, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna-Om.” Red at Green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magandang pangregalo ngayong kapaskuhan sa minamahal ang bagong unit ng cell phone o kaya’y iPad. Magugulat siya at sasabihing “wagas” ang iyong pagsinta. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Purple at gray ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang maging lubos ang ligaya ay wag masyadong gumastos ngayong Pasko. Magtira ng pera para sa Bagong Taon at sa Araw ng mga Puso. Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng iyong kasuyong mahilig.  Mapalad ang 7, 10, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel.” Yellow at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang bisyo! Ngayon pa lang simulan na ang New Year’s resolution. Sa ganyang paraan, dahil naunahan mo na sila – magtatagumpay ka! Mapalad ang 5, 14, 18, 23, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ako ngayon ay bagong buhay!” Blue at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Magbabago na ang kapalaran sa susunod na taong 2015. Sa pinansyal at pag-ibig, habang nalalapit ang kapaskuhan mabilis namang lalago ang kinikita habang lalo pang iinit ang pakikipagrelasyon sa kasuyong Capricorn. Mapalad ang 7, 16, 20, 36, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Aum-Kebalam.” Yellow at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Uso ang sakit ngayon! Upang maiwasan ang karamdaman, tuwing unang oras sa umaga ay magbilad sa init ng araw. Basta’t naarawan ka ay mas magiging malakas ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 1, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panahon na upang isakatuparan ang lahat ng iyong inisip. Sa pagpasok ng taong 2015 ay kusang mangyayari ang lahat ng binabalak. Sa pag-ibig, hindi inaasahang masarap na romansa ang biglang mararanasan. Mapalad ang 5, 14, 19, 23,  34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om-Govinda.” Beige at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Lalong magiging makulay ang relasyon kung hahaluan ng biruan. Wag laging seryoso. Mamayang gabi, halikan sa leeg ang kasuyo hanggang sa siya ay makiliti at pagkatapos sa tenga at pisngi naman! Kung lagi kayong masaya patuloy na darating ang maraming grasya. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Dosya-Om!” Gold at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pagpapatwad, mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mas mainam kung kakalimutan na ang mga maling nagawa ng kasuyo, tutal magpapasko na naman. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Jana-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kailangan pa ring hingin ang opinyon ng mga kaibigang nagtagumpay sa pangangalakal bago simulan ang iniisip na negosyo. Sa ganyang paraan ay hindi ka malulugi. Sa pag-ibig, wag mahirati sa dati nang ginagawa, bagong istilo ng romansa ang dapat. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Karan.” Silver at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang perpektong nilalang! Hindi dapat manisi sa pagkakamali ng iba. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang mga kapintasan ng kasuyo, may kapintasan ka rin naman. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheva-Om.” Gold at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig, kahit na mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat itsapuwera, sa kanya ka humuhugot ng lakas. Ngayon Pasko ay mag-combine force kayo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 7, 25, 32, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum.” Green at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa araw na ito mawawala ang lahat ng takot. Maiisip mong dapat pala ay noon ka pa kumilos upang makamit ang tagumpay. Sa pag-ibig, salubungin ng romansa ang pagiging agresibo ng kasuyo. Mapalad ang 3, 27, 36, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.”  Violet at red ang buenas.

Read more...