Chiongbian nakubra ang ikaapat na ginto | Bandera

Chiongbian nakubra ang ikaapat na ginto

Mike Lee - December 12, 2014 - 03:00 AM

NAKUHA ni Fredric Albert “Yuan” Chiongbian ang kanyang ikaapat na gintong medalya sa duathlon habang ang mga tankers na sina Maurice  Sacho Ilustre at Nicole Meah Pamintuan ay nakaapat din sa pool competition sa pagpapatuloy kahapon ng 2014 Batang Pinoy National

Finals sa Panaad Sports Complex sa Bacolod City, Negros Occidental. Kinapitalisa ng Cebuanong si Chiongbian ang limang segundong penalty na ibinigay sa  nanalo sa karera na si Brent Valelo ng Caloocan para walisin niya ang tatlong events na pinaglabanan sa triathlon.

Naprotesta si Valelo dahil hindi niya naikabit ang helmet bago lumabas ng bike transition. “This will be my best performance yet,” wika ni Chiongbian na nakuha ang ginto sa 3-kilometer run, 12-k bike at 1.2-k run sa bilis na 29 minuto at 42 segundo.

Si Valelo na nakaremate sa huling 150 metro sa ikalawang run ay nalagay sa ikalawang puwesto sa 29:45 habang si Antonio Aleja ng Iligan City ang pumangatlo sa 30:48 oras.

“Kinabit ko pero hindi pumasok. Ok lang, learning experience,” wika ni Valelo na hindi rin napigil ang lumuha nang igawad ang desisyon.

Nanalo rin sa triathlon at mixed team relay, si Chiongbian ay may apat na ginto matapos ang panalo sa ITT race sa cycling.
May pilak rin siya sa criterium race pero puwedeng maging ginto pa ito dahil ang nanalong si Thomas Fabie ng Batangas ay nakitaang naka-earphone nang kumarera, bagay na ipinagbabawal sa sport.

Sumali pa si Chiongbian sa mountain bike kahapon para palakasin ang paghahabol bilang isa sa most bemedalled athlete sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na may ayuda ng Philippine Olympic Committee (POC) at suporta ng Bacolod City at Lalawigan ng Negros Occidental.

Hindi naman nagpapahuli sina Ilustre ng Muntinlupa at ang tubong Laguna na si Pamintuan nang nanalo ng tig-dalawang gintong medalya kahapon para isama sa dalawang ginto sa pagbubukas ng swimming competition noong Miyerkules.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending