Napatunayan na ni Kris: Wa epek kay P-Noy ang feng shui

kris aquino pa
Naniniwala si Kris Aquino sa feng shui pero hindi naman niya totally pinaniniwalaan ang lahat ng bagay about the said issue.
“Ako yes only for entrance ng bahay, napakamahalaga ‘yon at saka ‘yung head faces pag natutulog ka and suwerteng araw to start work. That’s it.

Tungkol sa personal life at pag-ibig napatunayan ko na mali,” say ni Kris sa presscon ng “Feng Shui 2.” Paliwanag pa ng Queen of Talk, hindi nagkakatotoo sa kanya ang feng shui when it comes to relationship dahil napatunayan niya na kahit kontra niya ang isang tao when it comes to the year he was born ay nagki-clik naman sila.

She cited the case of her assistant Alvin. “Actually hindi totoo sa relationship kasi si Alvin, my asisstant has been with me for 10 years and he is a Snake. Tapos ang Rat kasi, kontra ng Rat is actually this year which is the Horse.

“Si P-Noy is a Rat and ang assistant niyang si Rochelle is a Horse and they’ve been together for more than 20 years. Feeling ko, sa relationship na ganyan ay hindi siya totoo talaga,” chika ni Kris.

Ibig sabihin, ayaw nang iaasa ni Kris ang kanyang lovelife sa feng shui.

Read more...