Daniel, Kathryn winawasak ng mga laiterang fans

daniel padilla
Nakakaawa naman ang magka-loveteam sa tunay na buhay at sa harap ng mga camera na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sila kasi ang masyadong napupuruhan sa mga pinaggagagawa ng kanilang mga tagahanga na sobra-sobrang pagbira-panglalait kay Jasmine Curtis.

Hanggang ngayon ay pinagtutulung-tulungan pa rin ng mga tagahanga ng KathNiel si Jasmine dahil sa pinagpistahang voice tape nu’n ng heartthrob kung saan si Jasmine ang babaeng pinatutungkulan niya.

Pero hindi naman dapat lahatin ang mga tagahanga ng mainit na tambalan, may mga tagasuporta pa rin naman sila na nagpapairal ng kagandahang-asal, pero mas nakararami ang mga namemersonal talaga at kung anu-anong masasakit na pintas at salita ang ipinakakain kay Jasmine.

Ang nagdadala tuloy ng kahihiyan ay sina Daniel at Kathryn dahil sa komento ng isang miron na “Tell me who your idols are and I’ll tell you who you are.”

Wala namang kinalaman sa mga nangyayari sina Daniel at Kathryn, siguradong nagpapaalala naman sila sa kanilang mga tagahanga na huwag lalampas sa kailangan lang, pero ang tanong ay pinakikinggan ba naman sila ng mga ito?

Masasakit na salita ang ipinakakain ng mga tagahanga nina Daniel at Kathryn kay Jasmine Curtis. Sobra-sobrang reaksiyon para sa isang hindi naman kumpirmadong aksiyon.

Read more...