‘Ipagdarasal ko na mag-sorry na si Greta sa kanyang magulang!’

gretchen barretto
Nag-surprise visit sa “Mismo” program namin last Tuesday evening ang aktres na si Gretchen Barretto na sinundan naman ni kaibigang Richard Gomez minutes after.

Actually, habang nagraradyo kami ni Papa Ahwel Paz that time, meron kaming nakitang babaeng kumatok sa glass window ng booth namin and we saw Greta in her pure smile saying hello to us.

Kinawayan ko siya to come in para makatsikahan na rin namin. Kasama niya ang kaniyang road manager na si Bettina Aspillaga and two friends – hairstylist Dennis and make-up artist Patrick Rosas.

Once seated, nagsimula nang magsalita si Gretchen – asking me kung friends na uli kami, kasi nga, as she mentioned, nakarating sa kaniya that there were times in the past na pinipitik ko siya sa program namin.

“Mahaba ang pinagsamahan natin Jobert and I hope na bilang magkapamilya na, we can be good friends na. I’ve loved you Jobert, we were friends before kaya peace and love, love, love na lang tayo,” aniya na medyo may pa-guilty effect.

Hindi ko na siya kinontra, her gesture of waving to us in full smile and agreeing to join us in the program nu’ng kawayan ko siya was already a gesture of reaching out from her end.

Kaya bakit ko pa siya iku-confront when here she is, humbly facing me and asking for renewed friendship. I just said na bahagi lang kasi talaga ng trabaho namin ang pumitik kung merong kapitik-pitik at pumuri kung may kapuri-puri about them.

As we were talking, nagkaintindihan naman kami ni Greta, kasi nga, kahit hindi man kami naging best of friends, minahal ko rin naman kahit papaano ang babaeng iyan.

Though of course, if you were to ask me now, between her and Claudine, I am much closer to Clau-Clau. Pero yung kanilang isyu ay personal nila kaya labas na tayo roon.

Kaya ko lang naman siya pinipitik actually (Gretchen) na hindi ko masabi that night dahil ayoko siyang ma-offend, ito kasi yung pakikipag-away niya sa parents niya. I cannot stand kasi anyone who fight their parents most especially their mothers.

For whatever reason – kahit sabihin pang mali ang ina natin, I demand you guys to respect them. That’s how I am and I firmly stand by that. Yung kina Gretchen kasi, tama naman sila to say na hindi natin sila dapat pakialaman dahil problema nilang mag-anak iyon, but you know, hindi mo rin kami masisisi to comment or react passionately about that issue because you made that public. In-involve niyo kasi ang media with that kaya nakakapag-react kami.

Yes, I love Gretchen, hindi ko pinanghinayangang humingi rin sa kaniya ng dispensa kung nasaktan ko man siya pero I still stand firm sa paniniwala ko about their family problem.

At ipagdarasal ko si Greta, to have a softer heart to ask for forgiveness sa parents niya.  Labyu, Greta! Hope you’d be more okay in the next days. Mwah!

Read more...