CRISTINE REYES, ARA MINA magkaaway daw | Bandera

CRISTINE REYES, ARA MINA magkaaway daw

- April 12, 2012 - 11:02 AM

Kaya matagal na silang hindi nagkikita at nag-uusap

May katotohanan kaya na may matinding away ngayon ang mag-sister na Ara Mina at Cristine Reyes?

Iyan kasi ang kumakalat na balita ngayon, hindi raw maganda ang relasyon ngayon ng magkapatid.

May nakarating sa aming chika na matagal-tagal na raw na hindi nag-uusap ang magkapatid, mismong si Ara raw ang nagkukuwento na hindi nakikipag-communicate sa kanya ang nakababatang kapatid, pero ayaw na niya itong idetalye.

Siguro tama ngang huwag na muna silang magkuwento sa publiko tungkol sa kanilang away, kung meron man para hindi pagpiyestahan ng mga tao.

Ang maganda diyan, mag-usap sila at ipa-explain sa isa t isa ang kanilang mga problema.

Wala namang gusot ang hindi napaplantsa, di ba?

Tsaka natural lang naman sa magkapatid ang magkatampuhan, basta iwasan lang ang magbatuhan ng putik sa isa’t isa na tiyak na pagsisisihan nila sa bandang huli.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending