Bimby gandang-ganda kay Vice pero talbog pa rin kay Kris

BIMBY AT VICE GANDA

BIMBY AT VICE GANDA

Natutuwa si Vice Ganda sa suportang ibinibigay ng kanyang “asawang” si Kris Aquino sa 2014 MMFF entry nilang “The Amazing Praybeyt Benjamin” under Viva Films and Star Cinema kung saan kasama rin ang anak nitong si Bimby.

Magkalaban uli ang entry nila ni Kris (Feng Shui 2) sa filmfest this year, “Ang sarap nu’ng feeling ng support na binibigay ni Kris sa pelikulang ito.

“‘Yun ang ine-enjoy ko talaga, ‘yung pagmamahal ni Kris sa proyekto namin. Parang mas hina-hype niya ‘yung movie namin kesa sa movie niya dahil nandito sa Bimby. Iyon ang malaking pabor para sa akin, ‘yung tulong ni Kris sa pelikula para mas lalong bumongga,” aniya.

Sey naman ni Vice sa bunsong anak ni Kris, “Mahal na mahal ako nun eh. Para sa kanya, pagkatapos ng nanay niya, ako na ang pinakamaganda.

“Pag sinasabi ko sa kanya na ‘Bimby you are the cutest boy here in the Philippines.’ Kapag tinatanong ko kung sinong prettiest, sasabihin niya ‘My mom. You’re next.’ Ganu’n siya.”

Read more...