Tuneup, importante nga ba?

Ni Rodrigo Manahan

MARAMING texter  ang Bandera Motor Section ang nagtatanong sa kahalagahan ng pagtu-tuneup ng kanilang motorsiklo.

Marami nga ang hindi talaga alam kuung anong kahulugan nito at kung gaano ito ka-importante sa isang indibidwal na ang pagmomotor ay malaking bahagi ng kanyang buhay at kabuhayan.

Walang duda na importante sa  motorsiklo na maipa-tuneup lalo na kung palyado ito dahil hindi magiging maganda ang performance ng pagkatakbo nito.

Bukod sa pangit na ang performance, tiyak na malaking gastos din ito dahil malakas ang kakaining gasolina sa playadong  motorsiklo.

Ito ay dahil hindi sakto sa sunog ang spark plug.

Kapag pangit ang perfomrance nanganguhulugan lang na hirap itong humatak o pigil ang pagtakbo.

Madali ring mag-iinit ang makina na pwede pang mauwi sa overheat.  Ang masakit nito ay kung mag-overheat habang nasa kasagsagan ng mabigat na trapiko.

Anu-ano ang ginagawala kapag itu-tuneup ang motor?
Ayon kay Larry  Pajarillo, mekaniko at may-ari ng RB Motor Shop and Accesossories sa A. Mabini st., Caloocan City, isa ang kalburador na dapat linisin.

Kung barado ito ay  magiging palyado ang motorsiklo dahil hindi sapat ang maibibigay na gasolina sa piston kung saan sinusunog ang gasolina.

Tinitignan din ang spark plug kung ayos pa ang kondisyon.

Sa mga four stroke na motorsiklo, mayroon ang mga ito ng barbula kung saan may saktong clearance ang barbula.

Kasama rin sa tuneup ang pagpapalit ng langis upang lalong maging maganda ang takbo ng makina.

Sa mga may motorsiklo na meron mga platino o cantact point, isa rin ito sa dapat tingnan.

At tulad ng barbula ay may tamang distansya para rito.

Importante rin tingnan ang air cleaner dahil kung marumi ito walang duda na mahihirapan ang paghatak ng motor.

Ipinapayo rin ng mga eksperto na kapag nakaramdam na mahina ang hatak ng motorsiklo ay patingnan muna ang air cleaner at huwag munang ipa-tuneup, ipalinis ang air cleaner at subukan kung bumalik na sa dati ang takbo at ayos na yun.

Walang bilang ng buwan kung kailangan dapat i-tuneup ang motorsiklo dahil delikado rin kapag laging ginagalaw ang barbula na puwedeng ikasira agad nito, dagdag pa ni Pajarillo.

Kung makakaramdam ng pagbabago sa hatak ng motorsiklo, pumupugak at pabag–bago ang menor ay patignan na sa mekaniko dahil kailangan nangg ma-tuneup.

Hindi madaling mag-tuneup ng motorsiklo dahil kailangang eksperto ang gagawa nito dahil baka lalong lumala at lumaki ang gagastusin at malamang na itirik ka pa habang nagbibiyahe.

Sa mga bagong motorsiklo, kapag umabot na sa 1,200 kilometro ang naitatakbo ay dapat ipa-tuneup upang mailagay sa tamang sukat ang barbula o platino ng makina at mapalitan ng bagong langis.

 

Pagpapalisensiya sa motor kuwestyunable

Ni Leifbilly Begas

IPINASUSURI g isang kongresista kung dumaan sa tamang proseso ang pagkuha ng lisensya ng milyon-milyong driver ng motorsiklo.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño kasabay ng pagdagsa ng mga motorsiklo sa kalsada ay ang pagdami ng mga kinasasangkutang aksidente ng mga ito.

Sa datos na nakuha ni Casiño sa Land Transportation Office umabot sa 3.4 milyon ang nakarehistrong motorsiklo noong 2010, mas malaki kumpara sa 808,000 private vehicles at 1.7 milyong public utility vehicles.

Upang makapagmaneho ng motorsiklo kailangan na nakapasa ng Restriction Code 1 na ibinibigay ng LTO.

“It is time that government seriously considers the implications of a growing motorcycle population in the country, as well as address problems of corruption which continues to hamper the education and discipline of the motorcycle-riding community,” ani Casino sa kanyang House Resolution 2123.

Marami ang nagmo-motorsiklo dahil matipid ito sa gasolina at kayang sumingit-singit kapag trapik.

Batay sa Road Safety Unit ng Metropolitan Manila Development Authority tumaas ang bilang ng mga naaksidente sa motorsiklo mula 12,656 aksidente at 104 nasawi noong 2008 at 16,208 aksidente at 177 nasawi noong 2010.

Dapat din umanong kunin ang opinyon ng mga grupo ng motorcycle riders upang malaman ang kanilang mga suhestyon para masolusyunan ang kanilang mga problema.

 

Read more...