Kailan makakaahon sa pagiging katulong

Sulat mula kay Elsa ng Candabong, Argao, Cebu
Dear Sir Greenfield,
Matagal na kong nagkakatulong. Mula 16-years-old hanggang sa ngayon na may asawa at mga anak na ako ay katulong pa rin ang trabaho ko. Hirap na hirap na po ako sa kalagayan kong ito pero wala po akong magawa. Ito lang ang alam kong trabaho para makatulong sa aking mister. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makaahon sa pagkakatulong at guminhawa kahit konti ang aming buhay. Sana mabigyan n’yo rin ako ng saktong numero na tatama sa lotto lalo na ngayong magpapasko pa naman. January 31, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Elsa ng Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Biglang Suwerte sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.), ito rin ang guhit na tinatawag na Guhit ng Negosyo, (arrow 1.). Ibig sabihin, dalawang bagay ang magiging daan upang makaahon ka sa kahirapan—ang ikaw ay mag-negosyo o kaya’y bigla kang tatama ng dambuhalang halaga sa anumang uri ng number games.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Ace of Spades at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng mga kahirapan at pagdurusa, sa susunod na taong 2015, may isang bago, mas maunlad at mas magandang buhay na magsisimula.
Itutuloy

Read more...